C 17

19 3 12
                                    

Sydney


"I-ibig sabihin ba no'n... Ta... Tayo na?"


Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan si Arthur na parang wala sa sarili at nauutal pa! Ilang beses 'tong kumurap, 'di yata makapaniwala sa sinabi ko.


Tumango ako, "Tayo na." Agad siyang napayakap sa'kin.


"Girlfriend na kita?" Tanong niya ulit habang nakayakap. Panay tanong! Okay pa kaya siya? Parang hindi talaga nag si-sink in sa kanya ang mga nangyayari.


"Girlfriend mo na ako," Sabi ko sa kanya habang nakayakap.


Agad siyang kumawala sa yakap, walang salita ang makakapag larawan ng mukha ni Arthur ngayon. Bakas ang saya at kilig sa mukha niya, ngumingiti si Arthur, pero iba ang ngiti niya ngayon, tipong wala nang bukas.


"Whoo!" Sigaw niya at binuhat ako. Lumaki ang mga mata ko at napatapik sa braso niya habang tumatawa, 'di ko ine-expect 'yon!


"Sorry, sorry." Natatawang sabi ni Arthur at napakamot sa ulo niya, "Nadala sa emosyon."


Natatawa ako sa mukha niya ngayon, all smiles! Pinisil ko ang pisngi at ngumiti, "Ang emotional! Hay, ang cute cute ng boyfriend ko!"


Pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Sadie para ibalita sa kanya ang mga naganap.


"OMG! Congrats, bestie!" Aniya, "Stay strong sa inyo!"


"Thank you, bebe!" Sagot ko. Nagkwentuhan pa kami ni Sadie pagkatapos no'n.


Isang araw na ang nakalipas pero wala pa kaming endearments. Syd ang tawag niya sa'kin at Arthur naman ang tawag ko sa kanya, ganon parin. Gusto kong mag suggest ng endearments, pero ayoko ng babe o baby, parang masyadong gamit, e! Halos lahat naman ng endearments, gamit na gamit, pero gusto ko ng sweet, 'yung tipong pag narinig mo, may mala 'butterfly in my stomach' effect!


"Ma! Akala ko kina Arthur tayo pupunta, ba't nandito tayo kina Australia? Usapan namin ni Arthur mag ba-badminton kami, e!" Reklamo ni Maverick nang makita ako sa harapan ng gate namin.


"Ayaw mo no'n? Ang ganda ng sasalubong sa 'yo?" Tanong ko sa kanya at tinuro ang sarili ko.


"Kailan pa naging maganda ang alien?" Tanong sa'kin ni Mavi.


"Nahiya naman ako sa 'yo, mukhang shokoy!" Inirapan ko 'to at pumunta kanila Tita Kailee at Tito Marco, magulang ni Mavi.


"Maligayang pasko po!" Ngumiti ako sa kanila at nag mano.


"Maligayang pasko, hija!" Bati nila sa'kin.


"Si kumpare, nandiyan ba?" Tanong sa'kin ni Tito, magsasalita pa sana ako pero biglang lumabas si Papa.

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon