C 6

44 7 23
                                    

Sydney


"I-I'm sorry, dude."


Nanginig ang lalaki dahil sa sinabi ni Arthur. Nakakakilabot talaga ang tingin niya. Para niyang sinusumpa at pinapatay ang lalaki sa mga titig niya. Kahit ako tumataas balahibo ko.


"You're a competitor, am I right?" Tanong ni Arthur, "What country are you representing?"


Umiling ang lalaki at mag lalakad na sana pero bago 'to mahawakan ni Arthur naharangan 'to agad ni Mavi na sumolpot sa harapan niya. Saan dumaan ang shokoy na 'yon? Kahit ako 'di ko napansin saan siya galing. Tsaka kanina pa ba siya nandito? Sinusubukan umalis ng lalaki pero patuloy 'to na hinaharangan ni Mavi. Seryoso ang mukha ni Mavi, halatang hindi natutuwa.


"Why are you trying to escape?" Iritado tumawa si Mavi at inasar ang lalaki, "Are you scared, asshole?"


"Who are you?" Tanong ng lalaki sa kanya, naguguluhan pa.


"Your worst nightmare." Inis na sabi ni Mavi, hindi ako sanay pag galit siya, mukhang ililibing niya ng buhay 'yung lalaki.


Hindi nakakilos ang lalaki pagkat kahit saan siya pupunta ay mahaharangan siya ni Maverick at Arthur.


"So, what country are you representing?" Ulit ni Arthur.


Sinabi naman ito ng lalaki kaya ay dumeretsyo kami sa desk para ireport ang pangyayari. Sakto rin na may CCTV camera sa lugar kaya nakita ang buong pangyayari. Sa huli ay na disqualified ang lalaki.


"Okay ka lang?" Tanong ni Arthur. Tumango ako at ngumiti sa kanya.


"Gago 'yon," Sambit ni Mavi, "Dapat tinapatan mo na agad ng pepper spray! 'Di ba niregaluhan kita no'n nung National Best Friends Day?"


"Bakit ako walang regalo?" Tanong ni Arthur kay Mavi, mukhang nag tatampo!


"Hoy binigyan kita ng powerbank 'no." Pag-depensa ni Mavi. Tahimik na nag isip si Arthur at tumango nang maalala niya ang sinasabi ni Arthur.


"Sayang, that asshole deserves to be pepper sprayed." Sambit naman ni Arthur, "Deretsyo mo sa mata. Punyeta."


Hindi ko alam kung matatawa ako sa paraan ng pagsabi ni Arthur ng 'punyeta'. Tunog 'F' ba naman yung 'P'! Pero ang diin ng pag kakamura niya.


"Okay lang 'yon!" Ngumiti ako sa kanilang dalawa.


"Hindi okay 'yon!" Sambit ni Mavi, "At hindi magiging okay 'yon kahit kailan."


"It doesn't mean that you are dressed like that, you're giving him permission to touch you." Tiningnan ako ng seryoso ni Arthur, "Naka pants, naka skirt, naka sleeveless o naka t-shirt. The way you dress is not an invitation for him, for all the people, to harass you."

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon