C 12

20 4 11
                                    

Sydney


"Gago ka ba?!" Gulat na tanong ni Mavi, mukhang 'di makapaniwalang 'yon ang dare ko sa kanya.


"Medyo." I smirked.


"Tangina saan ako mag hahanap ng tae?!" Kunot noo niyang tanong.


"Hanap tayo." Nakangiti kong sabi.


"Dali na! May flash light ako dito!" Sigaw ni Lawrence, game na game sa dare ko kay Maverick.


Lumabas kaming lahat para humanap ng tae na ipapapulot namin kay Mavi. Nag paikot ikot kami sa amusement park, pero walang tae rito, wala rin naman kasing aso na umiikot ikot dito kaya naman lumabas kami, buti nalang ay 24/7 bukas 'tong pasyalan na 'to.


"Ayun oh! May tae!" Sigaw ko at tinuro ang dumi ng aso, mukhang malambot lambot pa! Malapit lang kami sa gate ng resort, 'di rin kami masyadong lumayo.


"Teka! Vi-videohan ko!" Sigaw ni Gideon at kinuha ang cellphone niya, "Okay okay naka record na!"


"Putangina niyo, tatapon ko sa 'yo 'to, Sydney!" Aniya at nadidiri pang kunin 'yung tae.


Agad akong lumapit kay Arthur at nagtago sa likuran niya, "Weh gago kala mo matatapon mo sa'kin 'yan ah!"


"Weh bida sige tago pa kala mo 'di ka matatamaan!" Sigaw ni Mavi at binato nga talaga sa direksyon ko ang tae! Bwiset kadiri!


"Luh! Gago! Ang baboy, Maverick!" Sigaw ko at tumatakbo papunta sa iba't ibang direksyon dahil mukhang ipapahid niya pa sa'kin 'yung kamay niya na pinang hawak niya ng tae!


"Arthur oh!" Sigaw ko at nag tago sa likod ni Arthur habang si Mavi ay nasa harapan ni Arthur, sinusubukang i-corner ako.


"Para kayong bata!" Natatawang sigaw ni Gideon habang patuloy parin sa pag vi-video.


Tumakbo ako at nag tago naman sa likod ni Koreen. Inisa isa ko silang lahat, nag tago ako kay Arthur, kay Koreen, kay Lawrence, kay Dylan at pati narin kay Gideon na kumukuha ng video. Nang lahat sila ay maikutan ko na, tumakbo ako papunta sa loob ng resort.


"Papa! Si Mavi Parang tanga!" Sigaw ko sa kawalan dahil malapit na akong mahabol ni Mavi at kailangan kong mas bilisan ang pag takbo.


"Malapit na ako Sydney! Kala mo ako lang mangangamoy putragis dito, pati ikaw 'no!" Sigaw ni Mavi.


Dali dali akong pumasok sa section ng mga private pool at binuksan ang gate ng villa na tinutuluyan namin. Sinara ko 'to agad at tumakbo pataas ng kubo para ikulong sarili ko sa kwarto.


"Hoy madaya ka! Labas diyan!" Natatawang sigaw ni Maverick. Naririnig ko narin ang boses nina Gideon, Arthur, Lawrence, Dylan at Koreen sa background.

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon