C 18

31 4 12
                                    

Sydney


Nandito kami ni Arthur sa condo unit ko ngayon. Kumuha siya ng med kit at ginamot ang mga daliri ko.


"Tell me when it hurts," Sabi niya habang dahan dahang nililinis ang mga sugat ko, "Ang dami mong pasa."


"Bugbog 'yan, e." I chuckled, "Ilang trainings tsaka game pinagdaanan niya, kaya ganyan."


"I'll cure it." Aniya at nagpatuloy sa pag gamot ng kamay ko.


Nakakawala ng pagod tingnan si Arthur, nakatingin lang siya sa kamay ko at maingat niyang nilagyan ng bandages ang mga sugat ko, focus na focus!


"There!" Tuwang tuwa siya nang matapos siya sa pag gagamot.


"Thank you, mahal!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.


Ngumiti siya sa'kin, "May ibang masakit pa ba?"


Sasabihin ko na sanang wala pero biglang umeksena ang tiyan ko! Sumakit 'to bigla at para bang sumisigaw pa.


"Tiyan." Sabi ko at nilagay ang kamay ko sa tiyan ko, "Tiyan ko masakit, gutom ako."


Tumawa 'to ng kaunti bago mag salita, "Nag pa deliver ako ng pagkain kanina. I'll prepare the table tapos kain na tayo."


"Wait sama na-"


"No, stay there. You need to rest." Aniya at umalis ng kwarto ko.


Nakabukas lang ang pinto ng kwarto kaya nakikita ko si Arthur sa dining area. Maasikaso pala talaga si Arthur. Bigla nalang ako napapangiti habang tinitingnan ko siya. Tumunog ang phone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag message.


From: Papa
anak! ngayon lang nabalitaan ni papa ang ganap sa laro, congrats anak! ang galing galing talaga ng prinsesa ni papa! proud na proud ako sayo, anak!


Agad akong napangiti sa message ni Papa. Dahil masakit ang mga daliri ko, tag iisa isang pindot lang ang kaya kong gawin ngayon kaya naman medyo natagalan ako mag reply.


To: Papa
aweee <3 thank youuu so much, pa! i love youuu, paaa!


From: Papa
you're welcome, anak! mahal ka rin ni papa, galingan sa finals ha? manalo o matalo, ikaw parin ang champion para kay papa


To: Papa
Naksss! ikaw talaga the best paaa!


From: Papa
nambola pa nga hahaha syempre ako ang the best kasi ako lang tatay mo hahaha


To: Papa
the best ka parinn paaa! Ikaw ang the best papa in the whole worldd!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon