C 15

20 3 5
                                    

Sydney


Nasa isla na kami ngayon, pink sand beach! Ang ganda rito! Napapalibutan ng mga puno ang isa, may natatanaw rin akong mansion mula rito, mukhang hacienda.


"Sige, baba na kayo. Kami na bahala dito sa mga bagahe." Sambit ni Gideon nang maayos ang hagdan papunta sa dock.


"So, sasakay tayo ng kalesa from here. There's no other transportation dito aside from ATVs and kalesa, ayaw kasi ng grandparents ko ang mga auto, plus this pace is covered in grass and sands, there's no road." Sambit ni Gigi.


Nakita kong nag sidatingan ang mga karwahe rito, shet! Ang ganda ng mga karware! Elegate! Ang dami rin palang yate ng pamilya nila. Nilibot ng mga mata ko ang isa, ang presko rito! Nakita kong nag uusap si Gigi at Gray sa isang tabi, mukhang pribado kaya lumayo ako at pumunta kanila Sadie.


"Sino gustong umangkas?" Tanong ni Gigi, naka angkas na siya sa kabayo niya. Magsasalita sana ako na gusto ko ako ang umangkas pero agad na sumigaw si Meghan na gusto niyang mag horseback riding kasama si Gigi.


Tag iisa isa lang kaming sumakay sa kalesa, medyo may kaliitan kasi ang upuan nito. Habang ang mga lalaki naman at nag lakad, trip ata nila mag bonding na sila sila lang. Mabagal bagal lang naman din ang takbo ng kalesa kaya nakakasabay ang mga lalaki sa'min.


"Mamita! Papito!" Sigaw ni Gigi nang makarating kami sa mansion nila. Agad na tumakbo si Sadie para yakapin ang grandparents niya. Gayun din si Gideon.


"You must be Gray, hijo?" Nakangiting tanong ng lola ni Gigi kay Gray, "Tama nga ang aking apo, ang pogi pogi mo!"


"Salamat po," Ngumiti si Gray.


"Welcome sa isla, mga apo!" Bati ng lolo ng D'Ascanio siblings sa'ming lahat.


Yumuko kami at nagbigay bati. Pinapasok kami sa loob ng mansion, sobrang nakakalula rito! Ang laki! Old fashioned ang mansion nila, parang mga nakikita ko sa movies, kulay cream at pang hacienda nga talaga ang itsura. Dinala kami ni Gigi sa isang malaking kwarto na may limang kama habang ang mga lalaki naman ay nasa kabilang kwarto kasama si Gideon.


"Okay lang ba kayo rito?" Tanong ni Gigi, "Bale, sabay sabay tayong matutulog dito."


"Syempre, oo!" Ngumiti ako, umoo rin naman ang mga kasama ko at pumili ng kanya kanyang kama. Ang ganda ng lugar, at napaka komportable ng mga kama. Ang maganda rito, nasa iisang lugar kaming lima!


"If you guys need anything, feel free to ask me." Sabi ni Gigi, "Feel at home!"


Agad kong kinuha ang phone ko at nag message kay Papa.


To: Papa
nandito na ako sa isla paaaa! ang ganda ng beach, pink sand!


From: Papa
enjoy anak! :) mag ingat ha? mag text ka lang kay papa


Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon