C 7

37 7 24
                                    

Sydney


Nasa loob ako ng bahay nila ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero nakakakaba! Ganito ba pag first time mo sa bahay ng iba? Wala na akong napupuntahang ibang bahay maliban sa bahay nina Sadie, Mavi, Gray at Meg.


"Alam mo ba, nakwe-kwento ka sa'kin ni Arthur." Agad na kwento ng Mama ni Arthur. 


"Mama." Agad na sabat ni Arthur. Ang daldal ng mga magulang ni Arthur, halatang walang pinagmanahan sa kung kanino man sa mga magulang niya.


"Aba oo, 'nak. Inaasar nga niyan ng kapatid niya." Nakangiting sambit ng Daddy niya at nilapag ang kape sa coffee table sa harapan ko, "Kape, 'nak."


"Salamat po!" Ngumiti ako at uminom ng kape.


Gustong gusto ko tanungin kung ano ano ang nakwekwento ni Arthur tungkol sa'kin pero nahihiya ako! Hindi ko alam kung gusto ko magpalamon sa lupa habang nakaupo ako rito sa sofa nila.


Meet the parents ba naman agad, 'di ba?! Anak pa tawag sa'kin! Part of the family vibes!


"Diyan ka lang nakatira sa kabila, 'di ba?" Tanong ng Daddy niya.


"Opo, Tito." Ngumiti ako.


"Sabi ni Arthur ikaw raw nagpangalan kay Riceball," Natatawang sabi ni Tita, "Ang cute!"


"Ah, opo," Ngumiti ako at napakamot ng ulo, "Nag iisip po kasi ako ng mga bagay bagay na puti, ang common na po kasi ng Snow at Winter, kaya Rice naman para maiba."


"Witty, I like that way of thinking, 'nak," Tumawa si Tito, "Creative."


Plus points agad sa parents!


"Daddy! Rice's crying!" Narinig kong may sumigaw na batang babae at nag mamadaling bumaba mula sa second floor. Bitbit niya si Rice at may isang pusa pang kasama.


"We have a visitor?" Tanong nito at kinukusot pa ang mata, halatang inaantok na.


"Hi!" I greeted her with a smile.


"Hello po." Sagot niya at inaantok pang kumaway, medyo nahihiya pa siya.


"She's Kuya's friend, baby." Pag papakilala sa'kin ni Tita.


"Kuya has a friend aside from Kuya Mavi?" Pati bata hindi makapaniwalang may kaibigan si Arthur.


"Syempre." Sagot ni Arthur at naka pout pa sa bata, "Do I look like a monster to the point that I will have no other friend than Mavi?"


"Yeah," Sagot ni Belle at tumango kaya sumimangot si Arthur. Hindi ko mapigilang tumawa sa sinabi ng bata! Hindi naman kasi talaga friendly si Arthur.

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon