C 3

55 8 16
                                    

Sydney


"Sydney, try mo tatlong consecutive layback. Tingnan natin kung maganda."


Napaawang ako sa sinabi ng coach ko at nag glide pabalik sa corner ng rink. Nasa MOA ako ngayon dahil may training ako tuwing linggo ng umaga hanggang hapon.


"Five minutes po, coach." Sambit ko at pumasok sa area kung saan kami nagpapahinga.


Tumango naman si coach dahil halos dalawang oras narin ako nag pra-practice sa loob ng rink, manhid na ang katawan ko dahil sa lamig, hilong hilo narin ako dahil wala akong tigil sa pag iikot ikot simula kaninang umaga.


Kinuha ko ang phone ko at sinubukang i-stalk ulit si Arthur, pero wala talaga ako makitang account under his name, kung meron man ay paniguradong hindi sa kanya. I tried to stalk Maverick dahil magkaibigan sila ni Arthur, baka sakaling nasa friends list niya si Arthur pero naka private ang friends list ni Arthur, ang malas naman!


Lumipat ako sa IG at hinanap ang account ni Mavi. I scrolled over his pictures and I saw a picture of him and Arthur together. Nasa City of Dreams sila, sa Dreamworks, may buhat buhat si Arthur na cute na batang babae, sobrang bata pa. Pamilyar 'yung bata, hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Si Mavi naman ay katabi ang kapatid niyang si Kristoff. I scrolled further and saw more pictures of Mavi with Arthur. Nasa Antipolo siguro sila nito, bahay nila Mavi 'yung background e.


"Shit! Shit!" Nagmamadali kong i-unlike ang photo. It was posted two years ago! Anong sasabihin ni Mavi kung matanggap niya ang notification ng pag like ko?! Paano kung kasama niya si Arthur ngayon?! Malamang aasarin nanaman ako no'n!


km.tecson:
huli pero 'di kulong 


km.tecson:
hulaan ko, si arthur gusto mo iistalk pero di mo makita account niya HAHAHHAHAHAA


Napasapo ako sa noo ko nang makita ang mga messages ni Mavi. Hindi ko alam kung anong sasagutin ko sa kanya.


km.tecson:
kasama ko si arthur, sabihin ko kaya tinatry mo hanapin account niya? hmm


Nagmamadali akong mag-type nang matanggap ang message ni Mavi. Ang epal pa naman minsan nitong lalaking 'to!


sydney_aeris:
hOY WAG GAGO


"Oh, pinagpapawisan ka?" Nagtatakang tanong ni Nami, figure skater din, "Ang lamig lamig, ah?"


"Ah, ano-uhm," Nauutal pa ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko, "May demonyo akong ka-chat, umaabot init ng impyerno hanggang dito."


I heard Nami laughed, "Gaga ka talaga. Osya, mauuna na ako sa rink."


km.tecson:
pero hindi mo nga mahanap account ni arthur? HAAHAAHAH


sydney_aeris:
hindi ko naman kasi hinahanap, napadaan lang sa newsfeed ko kaya na-like ko

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon