C 16

25 3 11
                                    

Sydney


"Tutubing walang pakpak!"


Agad akong napasigaw nang muntikan na akong madulas sa hagdan papunta sa yate. Basa pala 'yung step! Ako naman 'tong si tanga na nag ce-cellphone at hindi tumitingin sa daan!


"Are you okay?" Tanong ni Gigi na nasa likuran ko, hawak hawak niya ang likod at braso ko.


"What happened?" Alalang tanong ni Arthur at mukhang hinihingal pa, "Nag aayos kami ng bagahe tapos narinig kitang sumigaw, anong nangyari?"


Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilang ngumiti at tumango. Hay, okay, 'di na ako nagsisisi sa katangahan ko. Ang cute mag alala ni Arthur!


"O-okay lang ako." Ngumiti ako kay Arthur na nasa dock at kay Gigi na hawak hawak parin ako, "Thank you, Gi."


Ngumiti sa'kin si Gianna at inalalayan ako hanggang makarating kami sa yate.


Agad naring umalis ang yate nang makumpleto kaming lahat sa loob. Pag dating sa Zambales, sumakay ulit kami sa van na gamit naming papunta rito, si Lawrence parin ang nag drive at isa isa kaming binaba sa mga condo namin.


Isang linggo na ang nakalipas at nag bubuhos na kami ng trainings dahil malapit na ang laro namin sa UAAP, ilang buwan nalang. Nasa court ako ngayon, pawis na pawis at hingal na hingal.


"Receive!"

"Set!"

"Spike!"


Nag pa-practice kami ng rally ngayon, halos dalawang oras narin kaming nag te-training.


"Sub!" Sigaw ni coach nang mapansing hingal na hingal na si Qeila, "Faytaren, labas! Guevarra, pasok!"


Halos nahihilo narin ako dahil sa init, pero kailangan naming ituloy 'to. 'Di ako papayag na 'di pasok ang Spikers sa championship!


Agad na lumaki ang mga mata ko nang makita si Arthur sa harapan ng gate ng DLSU. Gabi na ah! Alas-otso na yata. Kumaway 'to nang mapansin ako kaya naman agad akong tumakbo papunta sa direksyon niya. Kanina pa kaya siya?


"Water," Aniya at binigay sa'kin ang isang malaking water bottle, agad o namang kinuha 'yon at uminom. Sa wakas! Nakatikim na ako ng tubig! Naubos kasi ang laman ng tubigan ko kanina.


"Kanina ka pa?" Tanong ko pero umiling siya.


"Kakarating lang, tinanong ko si Mavi kung hanggang anong oras training niyo, tapos ayun." Aniya, "Surprise...?"


Agad akong natawa sa tono ng boses niya! Halatang hindi marunong mag surprise! Ang cute niya parin!


"How's training?" Tanong niya sa'kin.


"Kapagod!" Reklamo ko at binagsak ang katawan ko sa shotgun seat nang mabuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya.

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon