C 2

70 12 28
                                    

Sydney


"Corazon! Spike!"


Isang linggo narin noong nagsimula ang pasukan, nagsimula na ang mga trainings. Katatapos lang ng klase at mag gagabi narin. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at umayos ng tayo nang bumagsak ang bola mula sa ere.


"Sorry po, capt!" Agad na sabi ni Lea nang hindi niya ma spike ang bola, mukhang kanina pa siya wala sa sarili niya.


"Okay lang," Hingal kong sinabi at ngumiti, "Be attentive nalang next time."


Tumango naman si Lea at bumalik sa posisyon niya. Kinuha ako ang bola at pumunta sa likod para mag serve. Hinagis ko muna pataas ang bola bago ko 'to pinalo. Pasok naman ang spike ko at maayos 'tong nareceive ng kabila.


"Mine!" Sigaw ko at pina-angat ang bola para ma-set maayos ng setter.


Maayos naman ang naging training namin, maganda rin ang rally. Agad akong pumunta sa duffel bag ko at kinuha ang water jug ko. Nag shower ako saglit at nagbibihis narin.


"Ingat po, capt!" Sigaw nila bago umalis.


"Ingat din kayo!" Nakangiti kong sigaw at kumaway.


Naka jersey shorts ako at naka Lasallian shirt, kinuha ako ang slides ko at 'yon lang ang sinuot, ayoko nang mag rubber shoes after training. Kinuha ko ang duffel bag ko at naglakad papunta sa swimming pool para puntahan si Mavi, nasa usapan kasi namin na sabay kaming mag gy-gym ngayon.


"Maverick!" Sigaw ko nang makita siyang kakaahon lang sa tubig. May kinuha 'to sa bag niya bago naglakad papunta sa direksyon ko, pinupunasan niya pa ang sarili niya habang naglalakad, "Hindi pa kayo tapos?"


"Last na," Sambit niya at binigay sa'kin ang isang maliit na tetra pack ng strawberry milk. Mukha ngang matatagalan siya dahil binigyan niya ako ng stawberry milk, alam niya kasing mabilis akong mainip kung wala akong ginagawa o kinakain o iniinom, "Upo ka roon antayin mo nalang ako."


Umupo ako sa bleacher na tinuro niya at tiningnan siya mag swimming habang umiinom ng strawberry milk. Nakaka amaze tingnan si Mavi lumangoy sa pool, mas lalo na pag nag bu-butterfly at breaststroke siya, pakiramdam ko napaka hirap no'n!


Isa sa mga bucket list ang matuto mag swimming na hindi nag papaturo kay Mavi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako marunong lumangoy, ayaw siguro sa'kin ng tubig!


Maya maya ay umahon na ulit si Mavi sa tubig at mukhang dumerestsyo sa shower room nila. Bago naglakad papunta sa'kin, may kinausap muna itong babae na taga swimming team din. Mukhang ito 'yung matagal niya nang crush pero hindi naman siya pinapansin.


"Tara na." Malungkot niyang bungad.


"'Yon 'yung nililigawan mo, 'di ba?" Pinipigilan kong tumawa, "Busted ka?"


"Tumahimik ka nalang," Inis niyang sinabi.


Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon