☠️ CHAPTER 23 ☠️

1.5K 99 11
                                    

💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫💫

CHAPTER 23: We lost

JULLIA'S POINT OF VIEW 

Nang iminulat ko ang mga mata ko ay kisame kaagad na puti ang nakita ko. 

Ospital? 

Inilibot ko ang paningin ko kahit na alam kong nanlalabo pa ito at hindi pa nakaka-adjust sa liwanag pero kahit na ganoon kailangan kong mahanap ang mga kaibigan ko. 

Nang makita ko silang nakahiga sa kani-kaniya nilang hospital bed ay doon ako nakaramdam ng pagluwag ng hininga pero nang maalala ko kung ano ang nangyari ay kaagad akong napaupo at ang kaba na naman ay kumalampag sa dibdib ko. 

Shit! We have to get out of here! Baka mamaya nasa kamay na kami ng organization! 

Nang makatayo ako ay kaagad akong nawalan ng balanse kasabay noon ay ang pagkasagi ko ng isang alluminum tray na nasa side table ng kama ko at nagsilaglagan ang mga hospital tools na naroon kasama na ang mga pang-injection. 

Kumunot ang noo ko, "Where the hell we are?!" 

Kinabahan naman ako ng may lumitaw na babae sa harapan ko at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. 

"Miss  Jullia, please calm down," malumanay nitong sambit. 

"Calm down? Sinong tanga ang kakalma sa ganitong sitwasyon?! Sino ka?! Nasaan kami? Nasa organization ba kami?!" sunod sunod kong tanong pero hindi niya ako magawang sagutin kaagad kaya mas lalo akong nainis, "Sagot!" sigaw ko pa. 

"Miss Jullia, wala po kayo sa poder ng organization. Nasa Twelve Academy clinic po kayo. Nasa forbidden world po kayo," sambit nito at nakita ko naman sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro. "Ako nga po pala si Lilia, isa sa clinic nurses," pagpapaliwanag pa nito. 

Hindi naman sa napa-praning ako pero hindi talaga ako mapakali kaya naman naghanap ako ng kahit na anong bintana at nang makita ko ang labas ng sinasabing clinic ay doon ko nakita ang isang napakalaking arc na may nakaukit na TWELVE ACADEMY. 

Parang feeling ko dahil doon ay kumalma ng kaunti ang sarili ko at napatingin ako sa mga kaibigan ko. Inalalayan naman ako ng babaeng nurse na ang pangalan a Lilia para makabalik sa higaan ko dahil feeling ko naubos lahat ng lakas ko dahil sa pagtakbo ko papunta sa malapit na bintana. 

"Pasensya na," sambit ko at napatingin naman siya sa akin at saka ngumiti. 

"Wala iyon, expected na namin na isa ito sa magiging reaksyon ng isa sa inyo," sagot naman niya at napatingin ako sa mga kaibigan ko nang maihiga na niya ako. 

"Kumusta mga kaibigan ko? Nagising na ba sila? Yung classmates namin?" tanong ko sa kaniya. 

"Yung classmates ninyo iniwan namin sa Mint Academy since they're unable to be here. Hindi sila naapektuhan ng white light kaya hindi namin sila sinama dito. Same with the other guy na kasama ninyo," 

Ah right. Ngayon ko lang napansin there are only me, Kesia, Min, Yana, Henry, and Kass here. Wala si Mark. If ever naman na magising si Mark doon, sure ako na maghi-hysterical iyon. 

"And kung nagising na ba sila, no, hindi pa. Ikaw ang kauna unahang nagising sa kanila," she answered. 

Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang saka tumingin sa mga kaibigan ko. "Pero bakit ako pa lang?" 

Mint Academy 5: ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon