Published: 2021/02/02
Hello, enjoy reading guys!
The dedication list is on! Nakalagay na sya sa notes ko so wala talagang makakalimutan! Thank you sa pagsagot sa mga tanong ko!
3rd QUESTION: Who are the current member of Verdant Ellipse Sophomore and their current rank?
Please answer on the comment line above ^ Thank you!
Enjoy reading Minters!!!
💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫💫
CHAPTER 6: THE SECRET MESSAGES
Para kaming binuhusan ng malamig na tubig nang matapos na ni Mark i-decode ang cryptic message na binigay sa amin ng organization. Tama nga ang hinala namin, hindi nga para sa president ang sulat na ito kundi derekta itong para sa amin.
"Ah, what a pain in ass." Dinig kong sambit ni Jullia habang nakatakip ang kanyang mukha ng kanyang kanang braso.
"What can we do something?" Dagdag naman ni Min na halata ang pag aalala sa kanyang boses.
"What can we do? Hindi naman natin alam kung saang playground, malls or public places ang papasabugin nila. Hindi din natin alam kung kelan." Frustrated naman na sambit ni Kass.
Napabuntong hininga na lang din ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang gagawin.
Bomb, ha.
Pumikit ako dahil walang nag-re-register sa utak ko.
"I think the news can help us." Sambit naman ni Mark dahilan para mapadilat ako ng mata at mapatingin sa kanya.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Yana.
Kung academically baka makatulong pa ako pero sorry talaga I'm not into detective types. Sobrang hina ko talaga pagdating sa ganito.
"Well, I think Mark is right." This time kay Henry naman kami napatingin. "May clue naman siguro sila na ibibigay sa media nang hindi nahahalata ng iba."
"For sure na ang ibang sikat na detective ay natutuwa sa ganitong klaseng mind game. Heck, parang ayoko na." Inis naman na sabi ni Min.
Ako rin naman ayoko na rin kaya lang ano ba ang magagawa ko? Wala namang mangyayari if ever na umayaw ako baka mas madagdagan pa.
"Sa hindi malamang dahilan iba't ibang lugar sa buong mundo ang sumasabog at wala pa ring makuhang ebidensya ang mga otoridad. Pinaniniwalaang mga terorista ang may gawa nito."
Parang piniga ang puso ko ng ipakita sa telebisyon ang mga pagdadalamhati ng mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagsabog.
Nagulat na lang ako nang maramdaman ko na may dumampi sa pisngi ko at nakita kong pinupunasan ni Yana ang luha na pumatak sa pisngi ko.
Ah, umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan.
"Everyrhing's going to be okay, okay? You don't have to act like strong as always." She said.
I just smiled at her softly and sighed, "Well, I can't do something about it."
"Ang tangi lamang nagbibigay ng lead sa mga otoridad ay ang isang marka na sa unang pangyayari ay binaliwala nang otoridad ngunit sa mga sunod sunod na pagsabog ay nakita nila ang marka na ito. Ito ay ang six side star with a color of blue and white. Hindi pa alam ng mga otoridad kung bakit at paano hindi nasira nang apoy ang kulay nito."
BINABASA MO ANG
Mint Academy 5: Chaos
FantasíaTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 After the epidemic the battle has just began. Will they be able to stop or to neutralize the chaos or they will be part of the chaos? "Chaos will always be from one's se...