💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫💫
Epilogue
ILANG buwan na ang nakalipas simula noong nagtangka ang oganization na pasabugin ang nuclear bomb and I am greatful na natigilan ko iyon. With the help of my dad. Hanggang ngayon inaamin ko na hindi pa talaga ako nakaka-recover sa pagkawala ni daddy at ang tanging iniisip ko na lang ay kailangan ko magpalakas para kay mama.
Simula noong naligtas namin si mama at ang kuya ko sa basement ng building ay inilipat na si mama sa private hospital na hawak ng academy. Kinuha rin namin si senior doctor para mag-alaga kay mama and thank goodness at pumayag siya. Si kuya naman ay naghanap ng matinong trabaho. He has a lot of skills kaya naman hindi na ako magtataka kung sa unang araw pa lang ng job hunting niya ay matanggap na siya.
Hiniling ko kay Mr. President na itago ang ugnayan ng pamilya namin sa organization and he immediately agreed with it kaya naman bukod sa mga kaibigan ko at kay Mr. President ay wala nang nakakaalam ng tungkol doon.
Kinasuhan ni Mr. President ang mga politiko na nagsitakasan during the nuclear bomb threat at suportado naman ito ng mga mamamayan na naiwan sa bansa. Hindi rin naman sila pinagbigyan ng mga judge at walang lawyer na nagtanggol sa kanila kahit na gaano kalaki ang kita nila. Lahat ng lawyer at judge ay hindi nagustuhan ang ginawa nila dahil sila ay nasa bansa at natulong sa Pangulo.
Ang mga mayayaman din naman ay hindi maganda ang reputasyon dahil sa pag-alis nila imbis sa pagbibigay ng fund para sa labanan kaya naman pati sila ay gumagawa ng paraan para mabalik sa dati ang imahe nila. Hindi na rin naman nakakapagtaka iyon.
Sa amin namang verdant, wala pa rin naman pinagbago mas lalo lang kaming naging sikat. Lahat ng tao sa bansa nagpapasalamat sa amin dahil sa kalakasan na loob namin na labanan ang organization.
Ang mga bata naman na nailigtas namin sa lost island at pati na rin si Adrian at ang kapatid nito ay ngayon kasalukuyan na natulong sa community service. Nagvolunteer sila na tumulong para daw makatulong sila sa amin. Yung limang scientist naman na tinulungan namin makaalis sa lost island ay ngayon kasali na sa exclusive medical expert ng school namin. Kasalukuyan silang nagsasagawa ng research ngayon.
"Hoy, hindi ka ba diyan aalis?" dinig kong sambit ng isang babae sa likuran ko.
"Maka hoy ka naman, Min. Ganiyan ba talaga ang ugali ng may nakahilerang manliligaw?" pang-aasar ko.
Tumawa naman siya, "Manahimik ka diyan, Kesha. Anong akala mo wala akong alam na pinapahirapan mo kapatid ni Jullia?"
"Tama lang naman iyon kay kuya. Kung sinabi lang niya kaagad ang rason kung bakit siya nakipag-break kay Kesh e 'di sana hindi nangyayari ito sa kaniya," kaagad naman na pagtatanggol sa akin ni Jullia.
"Alam ninyo, kayong dalawa, sarap ninyong pag-untugin," natatawang sambit naman ni Min.
"Kayo rin naman ng pader," kaagad na bweltahe ni Jullia.
Totoo, nanliligaw ulit sa akin si Marvin. Noong una ay ayaw namin siyang kausap ni Jullia, wala talaga kaming balak pero pinilit kami nina Min. Hindi naman daw maganda na matapos ang isang relasyon sa isang bagay na dapat naman maayos. Tatlong linggo na ang nakakaraan ng kausapin ni Marvin ang kapatid niya at nang magmakaawa si Jullia sa akin para pakinggan ko si Marvin.
Ayoko talaga dahil pagod na ako masaktan pa pero wala. Magagalit ba ang kahoy kung mas marupok ako sa kanya?
Noong araw na nagpunta si kuya Jared at Marvin sa Twelve Academy ay naharang sila ng Chase Phantom. Hindi sila kaagad nahanap ng Twelve Phantom kaya naman natagalan. Sa pamamalagi nila Marvin at kuay Jared sa puder ng Chase Phantom ay samu't saring torture ang nakuha nila. They put a mind control chip kay Marvin kung saan kapag umakto si Marvin sa gusto niyang mangyari ay may mangyayaring masama sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang makipag-break noong araw na iyon.
Hindi pwedeng hindi siya makipagkita sa akin dahil iyon ang nakaplano at ang warning na naramdaman niya sa chip ang nag-udyok sa kaniya para pumunta at makipagkita sa akin. Gusto manghingi ng tawad ngunit hindi niya kaya kaya naman noong natanggal ang chip ay huli na niya nalaman. Nasa loob na kami ng building at doon ay kaagad siyang pumunta.
"Hayaan ninyo yung tao na ipakita na deserve niya," sambit naman ni Yana.
"Right," dagdag pa ni Henry.
Napangiti na lamang ako. Henry and Yana are now engage. Hindi daw kaya ni Henry na mamatay na hindi nabibigay kay Yana ang apilyedo niya. Si Min naman at Jullia ay busy ngayon sa pag-intertain sa kanila mga manliligaw. Si Kass at Mark naman ay nagbabalak na rin magsama sa iisang bahay.
Hindi naman malaki ang pinagbago sa buhay namin sa mga pinagdaanan namin pero isa lang masasabi ko. Ang mga pagsubok na ibinibigay sa buhay natin ay kaya nating lampasan. Hindi ito ibinibigay kung hindi natin kaya.
"Ako na naman ba ang pinag-uusapan ninyo?" dinig kong sambit ng pamilyar na boses.
Ngumiti ako sa lalaking kararating lang, "Oo, nangbabae ka daw?"
"Sino nagsabi?!" kaagad na tanong niya.
Nagsitawanan naman kami. Naibalik na namin ang kakayahan namin ngumiti nang mapatay nila Ms. Chiaka ang mastermind sa pagkuha nito sa amin kaya naman ngayon nakakangiti na kami.
Ang mga problema ay dapat tinatawanan hindi iniiyakan. Laughter is the best medicine, ika nga ng karamihan sa atin.
Thank you sa pagsubabay ng istorya namin. Hanggang sa muli.
💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫💫
THE END
💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫
💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫💫
BINABASA MO ANG
Mint Academy 5: Chaos
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 After the epidemic the battle has just began. Will they be able to stop or to neutralize the chaos or they will be part of the chaos? "Chaos will always be from one's se...