Published: 2020/12/19
This chapter is dedicated to @Kuya_Jepy thank you so much for a wonderful book cover set you've made! Sorry hindi kita ma-mention hindi ko rin alam kay wattpad eh.
Enjoy reading Minters!!!
💫💫💫💫💫🌍💥🔥💫💫💫💫💫
Chapter 2 : The Panic
Walang may gustong magsalita sa amin at lahat kami ay hindi makapaniwala sa na-decode namin. All this time nasa bingit na pala ng panganib ang buhay namin at ng buong mundo. All this time akala namin okay na ang lahat pero hindi pala.
"All this time nasa hukay na pala ang isang paa natin." Mahina kong sabi. Wala pa ring nagsalita sa kanila at tumingin ako isa isa sa mga mata nila. "This nuclear bomb, are they going to release it?" Tanong ko ulit.
"Kung pagbabasehan ang lagay ng organisasyon nila ngayon, I doubt it." Sambit ni Henry at saka sya tumayo. "Pero kung ang personality nila ang pagbabasehan natin then, yes. Gagawin talaga nila iyon. The worst case senario is that it wasn't a nuclear or an atomic bomb. Baka isang chemical gas that will turn every living things half dead."
Napasinghap naman kami sa sinabi ni Henry. Hindi malabo na mangyari ang mga sinabi niya. Napagtagumpayan ang virus sa lost island hindi nakakapagtaka if ever na may copy sila noon.
"The heck! Ayoko na maulit pa ang nangyari sa atin sa lost island. Hindi ko na kakayanin pang pumatay ng tao na alam kong buhay pa sa loob pero wala lang kontrol." Naiyak na sambit ni Yana at agad din naman syang niyakap ni Henry.
Sana all.
Pero kahit din naman ako. Ayoko na rin maranasan ang mga naranasan namin noon. It's a turtore for everyone. Ayaw nilang mamatay pero wala silang magagawa kundi ang kumain ng mga kapwa nila. Hindi din namin masasabing hindi kami madadapuan ng virus if ever nga na hindi atomic bomb ang papakawalan.
"Do we have to talk about this to the higher ups?" Tanong ni Mark sa amin at napatingin naman kami sa kanya, "You know, hindi naman tayo pwedeng basta bastang kumilos. Our moves are limited right now dahil sa under surveilance tayo sa kalaban."
"May point si Mark. Maybe we can tell this to them." Pag sang-ayon naman ni Kass.
"And what if hindi sila maniwala sa atin? After all, tayo ang naging dahilan kung bakit nagwawala ang organisasyon ngayon." Kaagad naman na sambit ni Min.
"Siguro wala naman atang masama kung sasabihin natin sa higher ups at kasabay noon ay ang pagkilos natin." Sabi ko at this time sa akin naman sila nakatingin, "Kung sasabihin natin sa higher ups ang mga plano nila at kikilos din tayo hindi nila mabibigyan ng pansin ang kilos ng mga nasa gobyerno. Or maybe, pwede din na sabihin natin sa gobyerno na makikipag-ugnayan tayo sa kanila. Still, at the end of the day may sarili pa rin tayong plano."
Tumatango tango naman si Henry habang nagsasalita ako at saka sya nagsalita, "May point si Kesia. If ever nga na hindi ma-foresee ng kalaban ang mga plano natin then we still have a chance to sabotage them."
Sandali namang napatigil ang mga kaibigan namin para mag-isip at saka sila tumango tango para sabihing sumasang-ayon sila sa desisyon namin ni Henry.
"Just this time please lang ha, walang magbubuwis ng buhay." Yana said with a nervous voice. "Hindi ko na kakayanin eh." And she gave us a sad smile.
BINABASA MO ANG
Mint Academy 5: Chaos
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 After the epidemic the battle has just began. Will they be able to stop or to neutralize the chaos or they will be part of the chaos? "Chaos will always be from one's se...