Prince POV
"Happy birthday to you... Happy birthday to you.." pagkakanta nila sa akin. Kumpleto kami ngayong nagcecelebrate ako ng 21st birthday ko. "Happy birthday babe" bati sa akin ni Krystal sabay yakap.
Oonga pala, matagal na kami ni Krystal since nung bumalik ako galing states. Ito nga pala yung kwento nung nasa airport na ako.
FLASHBACK
Kung talagang di po kami tinadhana, please. Magbigay na po kayo ng signs please? Para naman po di na ako umasa sa wala.
Agad agad akong pumasok sa entrance, habang ang ibang guard naman ay hinahabol ako. Patuloy padin ako sa pagtakbo. Hanggang sa nahabol na nila ako.
"Sir, bawal po kayo dito" patuloy na paliwanag nila sa akin. Hanggang sa matanaw ko si Ellin. "Ellin! ellin!" pagtawag ko sa kaniya, ayaw niya paring lumingon. Pilit na akong, hinahatak ng mga guard palabas. Saka ko lang napansin na nakaheadset pala si Ellin.
Nang tinawag na ang mga passenger na papunta ng States. Tuluyan na akong nanlumo, at nagpahatak na lang sa mga guard. Agad akong pumunta sa harap ng airport kung saan ay may damuhan. Paghiga ko doon, habang umiiyak ay tila nakiki-ayon ang ulan sa nararamdaman ko.
Patuloy akong umiyak, at patuloy ko lang inilabas ang bugso ng damdamin ko. Nagflaflashback sa utak ko ang mga panahong magkasama pa kami ni Ellin. Mga panahong, wala pa kaming nararamdaman sa isa't-isa. Mga panahong, matitigas pa ang puso namin at walang pakielamanan sa isa't-isa. Mga panahong di ko pa siya mahal. Mga panahong di pa ako takot na mawala siya sa akin.
Di ko alam kung bakit pareho ang nararamdaman ko nang iniwan ako ni Krystal at iniwan ko ni Ellin. <|3
"Pre" tawag sa akin nang lalaking, parang kasing edad ko lang habang pinapayongan ako. "Feel free to tell me the story" sabi niya sa akin. Kinuwento ko sa kaniya ang 99.99% nang kwento namin ni Ellin. Failures man or epic moments.
end-of-flashback
"Hep hep--Wish ka muna" pagsita sa akin ni Krystal. Uhm. Lord, sana po makalimutan ko lahat ng bad memories na dulot sa akin ng past. Bad memories lang po ah? Saka sana po, sumaya na ako :) Thank you po :)
Parang pangbata wish ko eh noh? Basta sana matupad. Yun lang (y)
"Babe, pwede mo sabihin sakin kung ano wish mo?" sabi ni Krystal sabay upo sa tabi ko habang kumakain. "Kapag sinabe ko sayo, baka di matupad?" sagot ko naman. "Prince, ilang taon na ang lumipas pero... napakacold mo parin sakin. Parang di na kita makilala.. parang di na ikaw yung dating Prince" sagot naman niya sabay walk-out pero bago pa man siya makalayo ay yinakap ko na agad siya.
"Sorry babe, di lang kasi ako sanay na lagi kang andyan. Gusto ko kasi ako ang gagawa ng efforts. Effort ka kasi ng effort kaya ayan tuloy, di ako makasingit" sabi ko habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya.
"Haist. lagi na lang yan ang sinasabi mo... madaming oras na dapat nageffort ka, inip na inip na nga ako eh. Kaya ako na lang nageffort." sabi niya. Muli siyang humarap sa akin. Mata sa mata. "Prince, ako lang yung gumagawa ng paraan para mapatagal pa itong relasyon natin. Parang back-up lang kita eh." sagot niya sabay walk-out.
Balak ko na siyang habulin pero bigla akong pinigilan ni Kai "Chill. Hayaan mo muna sya" sabi ni Kai habang hawak hawak ang braso ko. "Usap tayo", sinundan ko siya hanggang sa mapunta kami sa Garden. Ganda talaga ng Hotel nila Kris.
"Madami akong alam sa relasyon niyo, halos ako ang napagsasabihan ng sama ng loob niyan ni Krystal. Lagi niyang sinasabi sa akin na parang siya na lang nagmamahal sa inyong dalawa. Kahit minsan man lang Prince.. Iparamdam mo sa kaniya na di siya nagiisa... Na mahalaga siya sayo." sabi ni Kai
"Pinaglalaruan mo lang siya, oo. Pinaglalaruan mo lang si Krystal." dugtong nito. "Pakielam mo ba?"
Di ko alam kung bakit ko yan nasabi, kung bakit yan pa ang sinabi ko.
"Prince, sabihin mo lang kung handa mo siyang ihulog. Ako ang sasalo sa kaniya."

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
General FictionSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...