Chapter 2 - Trip to Bantayan Island Day 1

803 20 7
                                    

Prince POV

Araw na ng flight namin ngayon, di parin talaga ako makatulog kagabi pa. Di ko kasi maisip ang isususot ko.

( A/N : This chapter ko ilalagay yung Airport fashion ni Ellin tapos yung kay Prince next chapter )

Mga 24 na maleta ang dala ko Medium size lang naman. Ang matindi si Kris 32 na maleta. Malala puro damit niya lang yun wala yung mga foods.

Ako ang unang dumating sa NAIA Terminal 4. Ang flight namin 5:30am pero nandito na ako 4:00am. ABA MATINDE! 

Hirap na hirap yung 10 kung bodyguards magdala ng maleta ko. 

( Oh she wants me~ Oh she gots me~ Oh she hurts me~ )

may nagtext sa akin. 3 messages.

From BabyLouise 

Baby, ngayon ba flight mo? Ingat ka hah! Take care i love you <3 
text mo ako paminsan minsan hah!

From HoneyAnnabelle

Honey, okay ka lang? Sorry hah di ako napili ni Mrs.Lee na pumunta sa Trip... : So sad ryt ? :((
Next time Couple trip na lang tau! i love you take care :)

From LoveMaira

Love, ingat ka hah. i Love you :) <3 :D 

Makapagreply nga.


Reply message to : @BabyLouise @HoneyAnnabelle @LoveMaira


I love you too din, Pramis peksman mamatay ka man. Ikaw lamang :)

ASTIG DIBA?


isa-isa na silang dumating ang tanging hinihintay na lang namin si ellin.

"LECHE naman, 5:25 na wala pa siya." - Prince 
"Dadating din siya maya-maya" - Lette 
"papunta na daw siya, nalate lang siya ng gising" - Sap

Sa wakas 5:31 na siya ng makarating dito. 

"NYETA, Kanina ka pa namin inaantay" sabi ni Kris ng pabiro. "K." sabi ni Ellin tapos nagrolled eyes. Nasa Eroplano na kami.Tulog na si Kris,Kai,Scarlette,at Sapphire. Sa row namin kaming dalawa lang ni Ellin ang gising.

_______________Silence__________________

_______________Silence__________________

"Nice choice" sabi ko kay Ellin. Ellin nodded. "first trip mo sa Bantayan?" sabi ko. "Hindi, 3times na ako nakapunta pang apat ko na ito." sabi niya habang kumakain ng Lays. Nagalok siya kumain naman ako. "Kwento mo naman kung ano yung magagandang puntahan sa bantayan" sabi ko.

Nagkwento naman siya, tapos may nakwento siya na lalaki daw na nagtanong kung saan ang boys restroom pero ang sinabi niya daw na direction girls room. Ibang lahi daw yun. 

tawa na lang kami ng tawa, tapos habang tumatawa siya tumalon yung Lays palabas ng bibig niya kaya mas lalong lumakas yung tawa namin, Pinagtitinginan na nga kami ng ibang passengers eh. Hindi kami nakilala dahil naka disguise kami pero kapag hindi kami nakadisguise. Sigurado hindi nila kami papagalitan XD


After a hour. nandito na kami. Sobrang lamig dito yung hangin ang sarap amoyin. Halatang walang polusyon dito. Ang sarap magrelax kapag ganito.Dumiretso na kami sa resorts namin.The Coral Blue Oriental Beach Villas and Suites. Ang ganda ng loob sobra.

Mas maganda pa sa mga napuntahan ko dito. Iisang room lang kaming anim pero nahiwalay yung apat pa na iba. Room 12 kami, kasi daw for VIP daw yung 1-15. Maingay nga yung kabilang room eh. Aapat lang sila pero kung makatalon sa kama parang gusto sirain.

Pumunta na kami sa beach na White Sand, Blue Water and peaceful place. Walang maingay dito. Parang ang sarap magsenti XD

KAYA TARA! ( with Vice Ganda tone )

Tinanaw ko muna yung napakagandang tanawin dito. nakaupo ako sa white sand habang umaalon, May naramdaman akong tumabi sa akin. Si Ellin. 

"Alam mo.. yan din yung unang ginawa ko nung unang punta ko dito." sabi niya. "K" sabi ko. "Ang sungit mo! Ang ganda-ganda nga ng tanawin oh" sabi niya. 

_____SILENCE____
_____SILENCE____

"Casanova ka diba?" tanong ko. "Playboy ka diba?" sabi niya naman. Ano toh gantihan?

"Oo. may similarities pala yung Casanova sa playboy noh?" sabi ko. "Oo naman, yung Casanova kasi may galit sa lalaki kaya pinaglalaruan ang lalaki, ang playboy naman nasobrahan sa pagmamahal sa babae, kaya madaling maakit. kaya pinaglalaruan ang babae" sabi niya sa akin.

I nodded. "Akyat na ako.. tulog muna. may jetlag pa ako eh" sabi niya. I nodded. 


Yung Casanova kasi may galit sa lalaki kaya pinaglalaruan ang lalaki, ang playboy naman nasobrahan sa pagmamahal sa babae, kaya madaling maakit. kaya pinaglalaruan ang babae

Yung Casanova kasi may galit sa lalaki kaya pinaglalaruan ang lalaki, ang playboy naman nasobrahan sa pagmamahal sa babae, kaya madaling maakit. kaya pinaglalaruan ang babae

Yung Casanova kasi may galit sa lalaki kaya pinaglalaruan ang lalaki, ang playboy naman nasobrahan sa pagmamahal sa babae, kaya madaling maakit. kaya pinaglalaruan ang babae

Yung Casanova kasi may galit sa lalaki kaya pinaglalaruan ang lalaki, ang playboy naman nasobrahan sa pagmamahal sa babae, kaya madaling maakit. kaya pinaglalaruan ang babae

Yung Casanova kasi may galit sa lalaki kaya pinaglalaruan ang lalaki, ang playboy naman nasobrahan sa pagmamahal sa babae, kaya madaling maakit. kaya pinaglalaruan ang babae

Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Pinaglalaruan ko ba ang mga babae? kasalanan ko bang mahalin nila ako? Kasalanan ko bang madali akong maakit?


End of Pov

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon