Chapter 21 - The gift

292 15 1
                                    

Prince POV


*KRING KRING KRING*

May tumatawag sa cellphone ko, ang aga agad may tumatawag agad. Pagkapindot ko bat walang sumasagot..

"Hello.... helllo.... helllo.. sino toh?" sagot ko sa cellphone ko pero bat wala paring sumasagot, dahil dun napatayo ako agad at tinignan ang call log ko, wala namang tumawag today. Ano kaya yun.

*KRING KRING KRING*

---------------__________________--------------------------------    <<<<<----- Prince's Face

Alarm. Oo tama ka Alarm yun ng cellphone ko. Nagmukha lang akong tanga.. kausap ko ang alarm clock diba? Isn't amazing? Isn't Suprising? Isn't Chunga chunga? Haist -_- dahil dun nagising na ang buo kong katawan. Agad akong nagtoothbrush para mawala ang nakababad kong panis na laway sa pisngi at bibig ko. Agad din akong naligo para mawala ang malagkit na pawis at libag ko.... sa pwet.

Wag kayong ano diyan! Meron din naman kayo nun! Litse. makasabi na "KADIRI" "Iww" "Yuck"... nagkakalibag din naman kayo! Wag kayong magmalinis! May libag din kayo!

Nagsuot agad ako ng uniform ko at nagsuklay at nagwax. 

"Ang gwapo ko talaga" sabi ko habang kausap ko ang sarili ko sa salamin.

-------------------------------------

Dahil wala si manong driver at walang bakanteng kotse sa aming garahe. No choice. magcocommute ako.

Nasa sakayan na ako at wala parin akong mahanap na bus o fx man lang na pwedeng dumaan sa Sky High University. Lahat naman ng dumadaan na taxi eh puro may sakay. Ang tanging option ko na lang eh...

J E E P   >//<

Ayoko sa jeep abot ng bayad dito, abot ng bayad doon, instant job agad. Magkakamoyan pa kayo ng putok >.<

Pero no choice. kaya sumakay na agad ako ng jeep nasa pinto pa lang ako ng jeep pinagtitinginan na agad ako ng mga nakasakay. Puro babae kase bawat kilos ko tinitignan nila.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?" tanong ko.

"OO!" sagot ng mga babae na may halong landi tone.

Habang nakatingin ako sa bintana... nakakain ko na ang buhok ng katabi ko. May kuto at lisa pa naman siya.

"Miss, di porket di ako nagalmusal eh papakain mo na yang buhok mo sa akin" bulong kong sabi sa kaniya, Agad niya namang inayos ang buhok niya at SA WAKAS! wala na akong makakain na buhok na may kuto at lisa. -_-

-----------------------------

Nandito na ako sa school at napansin kong tumitingin din ang mga kaschoolmate ko sa akin. Ganun na ba talaga ako kagwapo? Habang papalakad ako sa hallway may tatlong babaeng lumapit sa akin.

"Hey prince! Happy birthday! Here.. take this" sabi ng babaeng nasa gitna habang inaabot ang regalo.

"Really? Birthday ko ngayon?" tanong ko, pero, birthday ko ba talaga ngayon? Di ko alam.

"OMG di mo alam? today is your birthday December 01!" sagot ng babaeng nasa gilid. 

"Okay, thank you" sabi ko sabay kuha ng mga gifts na binigay nila. Hanggang sa dumami na ng dumami ang nagbibigay, Halos di ko na makita yung dinadaanan ko..

"hey! happy birthday bro! let me take this" pagbati ni Kris. buti na lang nandiyan sila Kris at Kai para tulungan ako sa gift na ito.

"Thank you bro, By the way.. did you see Ellin?"tanong ko habang papasok ng classroom. 

"No?" sagot ni kris " me either, i haven't seeher" sagot din naman ni Kai.

Nasaan kaya ang babaitang iyon?

------------------------------------- 

Ellin POV

"Sap at Scar, ano kaya ang magandang ipangregalo?" tanong ko kay Sapphire at Scarlette habang nandito kami sa canteen. 

"Chocolates!" suggest ni Sap.

"Puro chocolate, ikaw ellin. ano ba gusto mong pangregalo? Fancy or simple yet memorable?" sagot naman ni Scarlette. I simply nodded. " I think... Letter?.... Necklace?...... teddy bear? Tama! Teddy bear na nagsasalita!

Tama naman sila, Teddy bear na nagsasalita, yung may audio na nirecord ko.

"Girl, ano panreregalo mo kay Prince? Akin Itong latest model ng Apple"

"So Cheap, akin girl... Itong latest model ng Gucci. Odiba?"

"Hayst, puro cheap.. itong akin.. ( sabay pakita ng susi )"

"HAHA! susi, para san niya yan gagamitin?"

"Hay naku mga girls.. susi... para sa kotse na ibibigay ko kay Prince. And take note! Porsche"

"Wow! yaman mo talaga girl."

"I know that, i will do and i will give anything just for Prince"

Sabi ng mga babae naguusap sa likod namin. 

Agad akong lumabas ng school para bumili sa gift shop nito.

-------------------------

Habang wala pang tao sa room nila, tama nila kasi naghiwalay na sila ng section sila yung Section na puro may mga talent yun ang S.P.A. at ako naman ang section gold..... Highest sa mga highest sa mga highest sa mga section ng 4th year high school.

Nilagay ko ito sa upuan niya at nilock muli ang pinto ng classroom nila at pumunta na sa room namin.

-----------------------

Prince POV


Dahil di ko naman makita si Ellin sa school dumiretso na ako sa classroom namin. umupo agad ako para buksan na ang mga regalo ng mga kaschoolmate at classmate ko. Wala man lang akong nagustuhan ni Isa. Mga cellphone, susi ng mga bahay at kotse. Pero walang simple yet memorable na regalo.

Lumipas ang mga oras na nagdidiscussed ang teacher namin.

Blah blah blah

Blah blah blah

Blah blah blah

Blah blah blah

Blah blah blah

Blah blah blah

Blah blah blah

Blah blah blah

*RING RING RING*


Ito ang tunog na napakasarap pakinggan at sobrang sarap sa tenga, Recess na!

-------------------

( Canteen )

Nakita ko si Ellin na papalapit sa akin.

"Uy ellin! Hello!" bati ko sa kaniya "Ano? Pahello-hello ka pa!" sagot niya," B-bakit? Meron ka ba ngayon?" tanong ko."Anong bakit? Kunwari wala pa siya alam, kunwari di niya tinapon sa basurahan yung regalo ko para sa kaniya, ganun na ba ngayon? Porket porsche, bahay at mga chuchu na yan ang niregalo  sayo ng iba eh babalewalain mo na ang regalo ko sayo? Well, thank you. Wala akong pake kahit itapon mo to sa basurahan. thank you ah. thank you talaga." sabi niya habang hawak hawak ang teddy bear. sa tingin ko yun yung regalo niya.

-----------------------------------------------

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon