Chapter 37 - I can't...

39 2 0
                                    



Hello readers! Sorry po ngayon lang nakapagupdate busy po kasi sa school. Atsaka marami po pala akong dinelete na chapters. Di po kasi ako satisfied sa iba kong sinulat na chapters.

------------------------------------


"Uy ellin, anong nangyayare sayo? Hindi naman hinihiwa ang asin hah?" puna ni Xavier na kagagaling lang sa kwarto ni King.

"Ay oo nga, madami lang talaga akong iniisip" sagot ko habang inaayos ang kalat sa kusina. 

"Gaya nang?" tanong niya, napatingin na lang ako sa kaniya dahil di ko alam kung ano maisasagot ko. "Masaya ka ba?" tanong niya. "Oo naman, masayang-masaya ako" sagot ko habang nag fafake smile. Ganyan naman tayo eh, kahit gustong gusto na nating umiyak pinipigilan natin. Sinasabing 'OKAY LANG AKO' o 'MASAYANG-MASAYA AKO' kahit sa loob-loob gusto mo nang sumuko. 

"Kita ko nga eh, masaya ka. MASAYANG-MASAYA. Tumutulo na nga yung luha sa mga mata mo eh." puna niya, agad ko itong pinunasan at nagfake smile muli. "Tears of joy ito. Ano ka ba. Hahaha" sabi ko sa kaniya. 

"Mahal mo pa siya?" tanong niya. Napatahimik ako at napaisip.... MAHAL KO PA BA SIYA? eh ikaw? Mahal mo pa ba siya? 

"Mamahalin mo parin ba siya kahit ilang beses ka na niyang sinaktan?" tanong ko. "Oo, mahal mo eh. Kapag nagmahal ka marami kang matututunan.. matututunan mong maging tanga, manhid. Matututunan mo kung paanong masaktan. Kung ano nga ba talaga ang meaning ng LOVE." 



Ano nga ba ang meaning ng LOVE?


T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon