Prince POV
Wag kayong magalit sakin please!
Di ko naman talaga gusto sabihin yun may suprise lang talaga ako para sa kaniya, di niya siguro naalala na friendsarry namin bukas. Sa dami na rin siguro ng iniisip niya.Sinabihan ko na yung mga guard na pagkapasok na pagkapasok ni Ellin sa gate bukas papuntahin agad siya sa may garden.
Naghanda ako ng Tent, Christmas lights kahit hindi pasko.
Saka mga pagkain saka, bonfire. parang camping lang ang peg.
Tapos nagpalibot ako ng flowers sa may daan papuntang garden simula sa gate,
Tapos naglagay din ako sa may daan nang Ilaw. Parang ikakasal lang siya.
------------------------------------------
[ FRIENDSARRY DAY ]
"Huy kuya! alam mo na gagawin mo ah!" sabi ko kay Manong Guard
"Yes sir!"
Nakakatuwa lang ang Manong Guard namin kasi napakabait. Di masungit kaya lagi siyang sinusunod ng mga estudyante dito.
{ Fast Forward }
Ellin POV
Pisti ksi yung Dean na yun, ayaw ako samahan. Well, ang kadate ko lang dun mga Tutubi, Mga antik na kakagatin ako. Mga lamok na papapakin ako. Nakakapisti lang talaga.
Habang inaayos ko ang gamit ko.
"Kakainin ko lang magisa itong cookies, kakain ko lang magisa itong toblerone, Kakainin ko lang magisa itong Reese. PURIVIR ALUN!!!!!!!!!!!" sigaw ko habang yakap yakap ang pagkain na sana kakainin namin ni Prince
Napatulala ako sabay tayo.
"BAT KASI WALA PA AKONG LABLAYP?" ang lakas ng pagkakasigaw ko habang nag head-bang.
Nang biglang bumukas ang pinto
"Letche! Ang ingay ingay mo! Lablayp lablayp ka pang nalalaman diyan!" Sigaw ni Scarlette habang nagtratransform sa big big big big ugly monster!!!!!
Dito na kasi sila nakatira. wala naman akong kasama dito sa malamansyon naming bahay!
"Sorry, eh kasi itong si Prince di ako sinamahan."
Nakatulala lang siya, sabay sarado ng pinto.
"Anung nangyare dun? Naistroke?"
--------------------------------
OTW; School
"Litsi ano ba gagawin ko dito? Ay oo nga pala ide-date ko lang naman ang mga tutubi!"
sabi ko habang binibigay yung ID ko kay Manong guard.Hindi niya tinatanggap
"Ano kuya nga-nga?"
"Ikaw ba si Ellin?" tanong ni Manong Guard
"Check mo id mo, baka ikaw si ellin. Joke lang kuya! Opo ako po, bakit po?"
"Hahaha, sundan niyo lang po ang red carpet"
sabi ni Manong guard habang tinuturo ang red carpet.
O................................O
"OMG! ANG GANDA GANDA GANDA GANDA GANDA GANDA!!!!!!!!!" sigaw ko na parang ako lang ang nasa school ngayon.
Ang ganda super. Ikakasal na ba talaga ako?.Naglakad ako ng naglakad.Napatulala na lang ako sa may BONFIRE na napakaganda.
" Oi babae! di ka pa ikakasal wag kang assummmmiiinngggg! "
Si PRINCE -_-
"Ano ginagaw mo dito?"
" Di mo ba natatandaan? Its December 07! "
"Hah? Ano meron sa december 07?"
"07"
"Anong 07? Ano?"
"Wala ka ba talagang naaalala Ms. Sulli Ellin Purple?"
"Wala nga? Ano ba meron diyan?"
Pagkatapos ko sabihin yun ay hinawakan niya ang kamay ko at lumakad kami papalapit ng bonfire.
"Friendsarry"
Simpleng pagkakasabi niya. No Emotions.
"S-sorry"
"Okay lang yun, naintindihan ko naman eh" sabi niya sabay tayo at pumasok na lang sa malaking tent kasya dun mga limang tao. Di ko na lang siya sinundan...Baka gusto niya mapag-isa. Mag-isa na lang ako nakaupo dito sa nagiinit na Bonfire. Friendsarry nga pala namin. Bakit ko ba nakalimutan ang isa sa pinakamahahalagang pagdiriwang sa aming dalawa? Bakit nga ba?
Lumipas ang mga oras at pumasok na din ako sa tent. Nakita ko naman si Prince na nakahiga sa kabilang side ng tent. Dun naman ako humiga sa kabilang side din naman ng tent. Sobrang tahimik namin, wala man lang nagsasalita sa amin dalawa.
" Prince..."
"Oh?"
"Sorry talaga, sobrang dami ko lang talagang iniisip..."
"Sabi kong okay nga lang yun."
"Eh kasi mukhang galit ka eh"
"Diba nga sabi ko okay lang"
"edi okay... dahil tuloy sakin di man lang natin makain yung mga pagkain na inihanda mo"
"Edi kainin mo..... MAG-ISA!"
"Sabi na nga ba galit ka eh!"
"Di nga."
"Galit ka"
"Di nga"
"Galit ka nga"
"Sabing di nga eh!"
" Tss -_- sungit."
" Pangit "
" Mas pangit si Prince Sehun Gonzales "
"Mas pangit si Ellin Sulli Purple "
"Wiw. Whatever. Happy friendsarry!"
"Happy friendsarry, kahit hindi ito yung the best friendsarry natin."
Pagkatapos nun nagyakapan kami at sabay nang matulog. Siyempre magkabilang side padinXD
--------------------------------------
Late update sorry po :)
Madaming ginagawa lang :)

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
General FictionSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...