Chapter 20 - Mr&Ms Sky High University

306 11 0
                                    

Ellin POV

" Yung kurtina po medyo itaas niyo, tas yung lights po pakicheck na lang po kung okay... Medyo lagyan  niyo ng glitters sa gilid ng kurtina para medyo classy....."

Sobrang busy ko ngayon... Isa kasi ako sa organizer ng Mr.&Ms. Sky High University. Natataranta na nga kami ngayon kasi yung ibang estudyante na nagpresenta na tutulong sa pagdedecorate ng event. Ayun paupo-upo lang tinitignan lang kami kung paano namin idedecorate.

Gusto ko makita si Prince kung anong susuotin niyang suit, Kaso wala na akong time para puntahan sa backstage si Prince. Sa sobrang dami ba namang aasikasuhin dito sa venue. Stressed na stressed na ako dito. Kasi yung iba sinabi ko itaas yung kurtina, yung iba naman sumusunod, yung iba sinasadyang maliin talaga. Sarap isabit sa kurtina eh.

" Break ka muna " sabi ng Lalaki sa gilid ko sabay abot ng tubig. Si Kris pala. 

"Ah, thank you"

"Grabe, stressed na stressed ka hah."

"Oo nga eh, ayaw kasi nung iba sumunod. Hirap pala maging organizer." sabi ko habang inaayos ang mga gamit na nakakalat sa sahig na iniwan ng mga nagdecorate ng pangsabit sa mga arm chairs para sa judges.

" Si Prince din eh, naistressed na sobrang ingay kasi ng ibang contestant sa backstage. Kahit ako naingayan din kaya lumabas muna ako. " sabi niya habang tinutulungan niya ako sa pagaayos ng mga gamit na nakakalat.

----------------------

[ Fast Forward ]

Nagayos na ako kasi maya-maya magsisimula na yung contest. Yung kaba ko parang feeling ko kasali ako sa contest pero... kinakabahan ako para kay Prince. Para mawala kaba ko bumili na lang ako ng kape sa may vending machine. Bago ko pa man mainom yung kape pinigilan agad ako ni Prince... Na biglang sumulpot.

"Mas lalo kang kakabahan" sabi niya sabay abot niya sa akin ng bottled water. Paano niya nalaman na kinakabahan ako?

"Alam ko kinakabahan ka dahil sakin." sabi niya with feel of confidence. Pagkatapos niyang sabihin niyo bigla ko siyang binatukan.

"Kapal mo din eh noh?" sabi ko sabay suntok sa tiyan niya. 

"Bayolente talaga tong babaeng toh" narinig kong sabi niya.

Bakit kaya di pa nakasuit yung lalaking yun? Magsisimula na yung event diba? Pumasok na agad ako sa venue at tinignan kung okay lang ba lahat. Binigay sakin ng isang close kung staff na si Chelsea ang listahan ng mga contestant. Nakita kong pang 18 si Prince at Princess. Magsisimula na ang event kaya umupo agad ako sa seat ko.

Nagsisimula na ang event pinapakilala na ng MC ang mga judges at special guest. Sumayaw din ang sikat na mga boyband ng South Korea na EXO, Super Junior, SHINee, BangtanBoys, B1A4, at ang Bigbang. Grabe ang hiyawan ng mga babae dito akala mo matatanggal na mga ngala-ngala. Sumayaw din ang sikat na mga girl band ng South Korea na F(x) , Girls Generation, 2ne1 at Sistar. Dapat isa din sa magpeperform ang Apink pero may event sila sa batangas kaya sayang talaga.

Nagsirampa na ang contestant #1 - 6 ng kanilang mga Gowns at Suits. Matagal-tagal pa sila Prince at Princess kaya lumabas muna ako para magpahangin. Lumipas din ang mga oras sa labas. Nang may biglang tumawag sa akin.... Si Mrs. Lopez ang manager ni Prince.

Hello po, bakit po mrs. lopez?

Hello din, Wala kasi si Princess hindi parin siya dumadating hanggang ngayon. contestant #12 na, isang oras na lang bago pa rumampa sila Prince. Baka kasi hindi na dumating si Princess...... Kung pwedeng ikaw na lang ang partner ni Prince. Kung okay lang naman sayo.

Ah-eh... sige po. pupunta na po ako kaagad diyan sa backstage

ay! maraming salamat talaga Ellin. Sige antayin ka namin dito.

Tinanggal ko agad ang heels ko at tumakbo na papuntang backstage. Nakita ko dun si Prince na nakaupo habang nagsecellphone. Agad akong pinaupo ng make-up artist para make-up- an ako. Nabilib ako ng sobra sa make-up artist kasi napakabilis niya akong minake-up-an pero napakaganda. Within 30minutes natapos na ng Make-up artist ang pagmemake-up sa kin. Dumiretso na ako sa dressing room at isinuot ang Black and White Classic Gown

Ellin's Blue Ball Gown Photo -------------------------------->

Ellin's Make-up photo ( next chapter )

Pagkalabas ko ng dressing room, biglang napaawang ang bibig ni Prince.

"Mukha ka nang tao" sabi ni Prince, sabay pila sa backstage kasi kami na ang susunod. Di ko alam kung paano rarampa dun. basta Bahala Na Si Batman

"Contestant #18 Sulli Ellin Purple and Prince Sehun Gonzales" pagpapakilala ng MC. Umakyat na kami para pumunta sa Stage. Agad kaming rumampa ni Prince, Ewan pero basta na lang gumalaw pang model itong paa ko. 

Habang rumarampa ako sa stage feel na feel ko pa ang pagrampa. 

"Ay anak ng tukneneng" 

nasabi ko ng bigla akong natapilok.

Confidence level : 100 
Katangahan level : 100

----------------------------------------------

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon