Chapter 22 - W H O ?

289 16 0
                                    

Chapter 22 – W H O ?

Prince POV

Sinundan ko siya hanggang sa likod ng school, nag-ala ninja kami sa paglusot sa mga barb wires. Sa ngayun wala na kami sa School Grounds. Nagmukha kaming nagcutting, kahit hindi naman talaga pero parang ganun na din.

 Di parin siya humihinto sa pagtakbo…. Hanggang sa mapunta kami sa park. Grabe! Sobrang layo na nang napuntahan naming. Nasa park na kami ng bigla siyang huminto sa basurahan at itinapon dun ang teddy bear.

SH/T. Pumunta lang siya sa park para lang itapon dun ang teddy bear. Pagkatapos niyang itapon nagpara siya ng taxi at sumakay na. Basta basta niya na lang ako iniwanan dito -_-

Kinuha ko agad yung Teddy Bear dun sa basurahan, Di ko maintindihan….Sabi niya itinapon ko daw… wala naman akong itinapong teddy bear sa basurahan?

Paano ito nangyari? Kung hindi ako ang nagtapon….. Sino ang nagtapon?

(SCHOOL)

Hanggang ngayon iniisip ko padin kung sino ang nagtapon nang teddy bear na niregalo ni Ellin. Nagsosorry na ako sa kaniya mula kahapon ng nangyari yun.

Inabangan ko siya sa gate ng school, sorry ako ng sorry pero tumingin lang siya di man lang siya umimik.

Inabangan ko din siya sa labas ng bahay nila dala-dala ang roses at chocolates, tinanggap niya naman sabi niya pa nga antayin ko daw siya sa labas.

Habang inaantay ko siya nakita ko yung mga maid nila na kinakain yung chocolates habang siya naman nagcecellphone lang.

Pero hindi parin ako tumigil kasusuyo sa kaniya, inantay ko padin siya sa labas. Hanggang sa maggabi na umakyat ako sa bintana ng kwarto niya at kumatok. Napansin niya naman ako pero bigla niyang sinarado ang kurtina.

Pagkatapos nun nag-antay padin ako sa labas ng bahay nila sa ngayon nasa labas ako ng gate nila. Hanggang sa lumipas ang oras at nakatulog na ako.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

ZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

“SH/T!” pasigaw kong sabi. Bigla kasing umulan. Nakakainis eh!

“Bad timing naman oh! Makisama kang ulan ka!” sigaw ko. Napansin kong may kumakanta…

“Rain rain please stay. Don’t come on other day” sumilip ako sa bintana ni Ellin. At siya nga ang kumakanta. “Problem?” tanong ko. Umalis siya sandali at bumalik agad dala-dala ang Unan at kumot. Inihagis niya ito sa akin. “I need umbrella! Not this sh/t” sabi ko sabay tapak sa unan at kumot.

“Arte! Binigyan na nga ng unan at kumot eh” sabi niya. “Please?” panunuyo ko. “Manigas ka!” sigaw niya sabay sarado ng bintana. Wala naman akong magagawa edi inilatag ko na lang yung kumot at unan, At natulog habang umuulan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Ellin POV

“Ma’am Ellin! Gising po! May lalaking gwapo na natutulog po sa labas ng bahay! Ang hot niya grabe!!!!” sigaw ni Yaya Luz. Agad naman akong tumayo at sinundan sila Yaya luz pababa para tignan yung lalaki daw na gwapo.

“Di pa pala siya umaalis ah. Natulog habang basa? HAHAHAH!!!” pang-aasar ko para gumising siya.Si Prince. Nagising naman siya at ginaw na ginaw. Pulang-pula ang mata niya, namumula din siya at namumuti ang labi.

OMG. Agad ko siyang nilapitan, may sakit nga siya. Pinabuhat ko sa mga guard si Prince papunta ng kwarto ko. Inutusan ko na din sina Yaya para ihanda ang gamut at magluto na din ng mainit na lugaw.

Nilagyan ko siya ng towel sa noo. “ Sorry, ayoko naman talaga gawin yun sayo eh. Nagalit lang talaga ako. Sorry” pabulong kong sabi sabay kiss sa noo niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''

Prince POV

“Huh? Nasan ako?” sabi ko, pero di ito marinig ni Ellin dahil sobrang hina ng boses ko. Lamig na lamig na kasi ako eh. “Gising ka na pala, eto kain ka muna ng lugaw” sabi niya habang inaabot ang lugaw. Tinitigan ko ang lugaw. Parang sign na din yun na subuan niya ako, kasi hinang hina na talaga ako eh. Nagets niya naman yung ibig sabihin ko.

“Aw. Ang init naman eh” sabi ko nang unting may galit.”Ikaw na nga lang sinusubuan eh! Ibuhos ko kaya ito sayo!” sabi niya sabay lagay nang lugaw sa lamesa. “Joke lang naman” sabi ko ipinagpatuloy niya naman ang pagpapakain niya sa akin ng lugaw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon