"Prince, bakit di kayo magbakasyon ni Ellin sa Japan or sa Korea tutal next week papasok ka na sa trabaho." suggest ni Tita Meredith habang nagcrocrochet.
Sige Tita, push naten yan. Para naman magkaquality time kami ni Prince.
"Prince nuod tayo sa sinehan" "Kuya, laro tayong Tekken"
"Prince, nuod tayo ng dvd" "Kuya, laro tayong video game"Lagi na lang kasi panira ng moment itong si Luhan eh. Sa tuwing aayain ko si Prince, aayain niya din. Siyempre si Prince sasama sa kapatid niya.
Ano ba naman ako sa kaniya?
"Ma? Nagbibiro ka ba? Isasama mo si Kuya sa walang taste na babaeng yan?" Luhan
"Ah-eh. Ano-Tara Prince kahit sa Korea lang. Gusto kong makapunta sa namsan tower eh" pang-aaya ko sa kaniya habang hinihila ang braso niya habang nagbabasa ng mga papel na nasa folder.
Tumayo siya, "Ayoko" maikli niyang sagot ."Minsan lang naman toh." pang-aaya ko padin habang hinahatak ko siya paupo sa sofa.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. Yung tingin na parang kakainin na ng mundo ang katawang lupa mo.
"Ayoko nga! Di nga kita kilala? Di kita maalala!" sabi niya sabay akyat sa taas.
"Gusto ko lang naman na ipaalala sayo lahat eh! Ipaalala sayo na mahal na mahal kita! At naniniwala akong ganun din ang nararamdaman mo para sakin!" sigaw ko sa kaniya.
Di ko na alam ang mga sumunod na pangyayari basta ang alam ko lang nakaupo ako sa bench sa may central park.
Di ko rin alam kung paano ako nakapunta rito.
Kahit inis na inis na ako kay Prince. Kahit ilang ulit niya ako dedmahin, kahit ilang ulit niya akong saktan...
Di ko parin magawang magalit sa kaniya, kahit onti.
"Umuwi ka na."
Pagtingala ko ay nakita ko si Prince. "Prince" tawag ko sa kaniya at tumayo na rin ako. Pero siya naman umupo kaya umupo narin ulit ako.
"Di mo ako naiintindihan." mahinang sabi niya. Binigyan ko siya nga What-do-you-mean look.
"Iniisip mo lang ang sarili mo....Ang pagmamahal mo sa akin, di mo manlang ako naisip" sabi niya sakin ng may malamig na tono. "Kahit pilitin kong alalahanin ang lahat, walang nangyayari. Kahit ulit-ulitin kong ipaalala sa sarili ko ang mga kwento mo. Di ko parin maalala.... Sorry." sabi niya. This time nakatingin na siya akin.
Ngayon, nararamdaman kong sincere at galing sa puso niya ang lahat ng sinabi niya. Dahil sa bugso nadin ng damdamin niyakap ko agad siya.
Kahit alam kong tanging braso ko lang ang nakayakap.

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
General FictionSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...