Chapter 42 - Power of Love

36 2 0
                                    

"Gising na si Prince!!" sigaw ni Kris habang nakaupo-  kami sa waiting area. Agad kaming nagtakbuhan papasok ng kwarto at nakita ang Prince na gising na parang lantang gulay.

"Prince, ayos ka lang ba?"tanong ko agad sa kaniya. Ngunit nakatingin lang siya sa akin na parang di alam ang isasagot. "Pre, natatandaan mo pa ba ako?" tanong ni Kris. "K-kris?" sagot niya. "Aish! Thank you Lord natatandaan mo pa ako." Reaskyon ni Kris.

Hanggang sa isa isa na nilang tinanong si Prince kung natatandaan pa ba sila nito. Oo, salamat sa diyos at nakakaalala si Prince.

"Anak, si Ellin araw-araw yan nandito sa ospital binibisita ka mula nakaraang linggo." sabi ni Tita Meredith. "E-ellin? Sino yun?" tanong ni Prince na ikinagulat ng lahat. Kasama na AKO.

"P-prince. Ako ito si Ellin." pagpapaliwanag ko sa kaniya. Pero parang wala talaga siyang natatandaan.

"Di kita kilala."

3 words lang pero punong-puno ng damdamin. Ang tanong ko agad sa sarili ko.... bakit sila natatandaan? Bakit ako, hindi?

Araw-araw parin akong dumadalaw sa kaniya at ipinapaalala ang lahat. Ni isang maliit na detalye di ko pinalagpas at ikwinento ko parin sa kaniya. Pero paulit-ulit lang ang sinasabi niya. "Wala akong natatandaan"

Kahit sa sarili ko, di ako naniniwala na nakalimutan ako ni Prince. Patuloy kong sinasabi sa sarili ko na 'Unti na lang, matatandaan ka na niya.' Gaano ba kadami ang unti na yan? Kahit gusto ko nang sumuko ang sinasabi parin ng puso ko ay 'Kaya mo yan Ellin, wag kang susuko kay Prince'.

Kahit pagod na pagod na ako, pinipilit ko paring kumapit at maniwala sa kakaunting pag-asa na matatandaan niya din ako. Ewan ko ba, ganito kasi kalakas ang pag-ibig ko para kay Prince.

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon