"Krystal, ayoko. Masakit ulo ko." inis na sabi sa akin ni Prince. "Prince, ang ganda ng mga movies ngayon. You will surely love it" sabi ko habang hinihila siya sa office chair niya. "Madami akong ginagawa, pwedeng wag ngayon? Please lang Krystal." sabi niya sabay tanggal sa kamay ko sa manggas ng polo niya at tumutok sa laptop niya. "Hay nako. Mr. Prince Sehun Gonzales. Sobrang stressed ka na sa trabaho mo. Dapat minsan magchill ka muna, kaya manuod tayo ngayon ng movie." pag-aaya ko sa kaniya sabay upo sa couch sa gilid ng office table niya.
"Krystal, umuwi ka na. Magpahinga ka, mag beauty rest ka, Magluto ka, magbake ka, magshopping ka, kahit anong gawin mo basta umalis ka na." sagot niya habang inaayos ang tambak na folders sa office table niya.
"Prince... nang simulang bumalik si Ellin dito sa Pilipinas. Binabad mo na ang sarili mo sa trabaho. Prince, is there any problem?" tanong ko sa kaniya. Napatigil siya at napatahimik. Pinatay niya ang laptop niya at kinuha ang bag niya. "Answer me" inis kong sabi habang nakatayo at hinaharangan siya. Nilagpasan niya ako at sinabing "Kung wala, wala kang pakielam dun. Kung meron man, wala ka paring pakielam dun."
"Prince, minahal mo naman ako hah? Naging masaya tayo dati--" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad niya akong siningitan.
"DATI! dati yun. Minsan mo nang sinira ang tiwala ko! Sinubukan kong ibalik pero wala na! Wala na! Kaya tigilan mo na ako."
"Prince, mahirap ba akong mahalin? Mahalin muli?" tanong ko habang umiiyak.
"Krystal, di ka mahirap mahalin. alam mo kung ano ang mahirap? Mahirap kalimutan ang taong mahal mo, at yun ay si Ellin. Krystal, mabait ka, maganda, matalino. Di mo ako deserve. Di mo deserve ang taong paulit ulit ka lang binibetray. Paulit-ulit ka lang sinasaktan. Mahahanap mo din ang taong para sayo. Yung taong paulit-ulit sayong sinasabi kung gaano ka niya kamahal. Kung gaano ka kahalaga sa kaniya. At hindi ako yun."
-------------------------------

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
General FictionSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...