Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Wala paring progress. Di niya parin ako matandaan.
"Tapos nagseselos pa nga ako kay Hyuksoo nun eh. Hahahaha, tapos muntik ko na nga siyang awayin nun eh. Hahahahaha. Hanggang ngayon natatawa parin ako." kwento ko sa kaniya habang nagbabasa siya ng dyaryo.
Pero parang dedma lang yun lahat sa kaniya.
"Tapos nung pumu---"
"Di ka ba mauubusan ng kwento? Ang ingay mo eh" sabi niya sa akin sabay alis at pasok sa kwarto niya.
"A-anak" tawag ni Tita sa kaniya pero ni sumulyap o sumagot man lang ay wala.Napansin ni Tita na malungkot ako kaya agad siyang pumunta sa tabi ko at umupo. "Ellin, may sasabihin sana ako sayo." sabi ni Tita. Tinanong ko kung ano iyon. "Natatandaan mo yung sinabi ng Doktor tungkol sa ugali niya na epekto ng sakit niya?..... Pumunta kasi kami ng mall kahapon at maraming babae ang lumalapit sa kaniya. Dati kasi kapag may lumalapit sa kaniya inientertain niya agad. Pero yung kahapon... ibang-iba. Dinedma niya yung mga babae.... Ellin, bumalik ang dating Prince. Yung cold at hindi yung playboy."
Humawak si Tita sa kamay ko at tumingin sakin ng malalim "Ellin, pangako mo... Di ka susuko sa Anak ko."

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
Fiksi UmumSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...