"Hay nako Ellin. Andami mong nakaline-up na clients sa US. Why not bumalik ka na lang dun? Mukhang... nahihirapan ka na rin dito sa Philippines eh. Alam mo namang di ako mapakali sa sitwasyon mo lalo na ngayong pu--" bago pa man matapos ni Scarlette ang sasabihin niya ay agad tinakpan ni Sapphire ang bibig niya.
" 'Lalo na ngayong' ano? may tinatago ba kayo sa akin?" Tanong ko sa kanila. Wala akong natanggap na response mula sa kanila, Di nga sila makatingin sakin e.
"Sabihin niyo na..." pamimilit ko. "Eh kase... Titira kami sa United Kingdom para sa business namin. Sa totoo lang ayaw namin. Lalo na ngayong andito ka na, kung kelan bumalik kana saka naman kami aalis." pagpapaliwanag ni Sapphire. "Yun lang ba? Haha, meron namang Skype or messenger or snapchat. Saka may internet kaya! Makareact kayo.. parang sa bundok kayo titira huh?" pang-aasar ko sa kanila.
"Let's be serious girls. Okay ka lang ba talaga? I mean, mas magiging okay na lalo na ngayong wala na si Krystal." tanong ni Scarlette. "Oo nga eh, sabi din ni Kris. Hay, di ko alam. Di ko alam ang gagawin ko," sagot ko. "Mahal mo na ba ulet si Prince?" Tanong ni Scarlette. "Anong 'ulet'? Di naman ako tumigil sa pagmamahal sa kaniya eh" sagot ko habang umuupo sa kama ko. "Sis, kung mahal mo sabihin mo. Bago pa mahuli ang lahat. Tandaan mo, Si Pagsisisi masyadong matangkad. Laging nasa huli" sabi ni Sapphire.
"Mukhang di na ako ang mahal niya eh" malungkot kong sabi. "Ano ba yang pinagsasabi mo? Natry mo na ba siyang tanungin?" Tanong ni Scarlette. "Hindi pa pero ha---" bago ko pa man matapos ang sagot ko pinutol na agad ako ni Sapphire.
"Alam mo ang sarap mong iprito sa kimukulong mantika habang naka bathingsuit ka. Masyado kang praning. Try to ask him muna, wag kang magassume. Tawagan mo na siya now na. Ito number niya oh" sabi ni Sapphire sabay bigay ng number ni Prince at inilagay ko kaagad sa contacts.
Tatawagan ko na ba talaga siya?
Paano kung di niya na ako mahal?
Pero paano kung mahal niya parin ako?
Hay baha----
*Kring kring*
Prince is calling....Ohmygod. Paano niya nalaman ang number ko?
Hello. Napatawag ka Prince.
Paano mo nalamang ako ito?Argh. Patayyyy!! >.<
Wala lang, n-nahulaan ko l-lang.
Ah.. pwede ba tayong magkita ngayon sa Coffee shop?
N-ngayon? S-sa coffee shop? A-ah s-sige. See y-you.*************
(Coffee shop)"Ma'am ano pong order niyo?" tanong ng waiter saakin. "Mamaya na lang siguro. Inaantay ko pa ksi kasama ko e. Labas muna ako, tignan ko lang" sagot ko at sabay lumabas.
Maya-maya ay nakita ko si Prince sa kabilang kalsada habang kumakaway sa akin.
Natigil ang lahat.....
Huminto ang oras...
Ang mga taong naguusap ay biglang huminto...
Ang pawis na mula sa aking noo ay biglang nanlamig...
Ang katawan kong tila nanigas...
Lahat ng bagay tila nagslow motion..."Yung lalaki nasagasaan!"

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
General FictionSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...