"E-ellin?" sabi ng medyo matanda nang babae habang nakaupo ako sa waiting area sa ospital na pinaghatiran kay Prince. Tumingin ako sa kaniya at nagbigay siya ng kamay sa akin para bang shakehands ganun. "I'm Meredith Gonzales. Ako ang nanay ni Prince, salamat sa paghatid kay Prince dito sa ospital. Maraming salamat" sabi sa akin nito habang nakangiti. Grabe, ang ganda niya. Di siya mukhang mataray. Actually, mukha siyang bubbly.
"Walang anuman po M-ma'am Gonzales" "Masyadong formal, you can call me Tuta."
"Tita? Bakit po?" tanong ko. "Nakwekwento kana kasi sakin ni Prince. Future Daughter-in-law kita. Haha. Ang ganda ganda mo naman" sagot ni Ma'am meredi--- este Tita. Napangiti naman ako sa sinabi niya."Tita! Ano na pong kalagayan ni Prince?" tanong nila Kris kasama ang iba pa nilang kaibigan. Di ko na iisa-isahin baka maubos ang oras niyo sa pagbabasa.
"Kayo po ba si Mrs.Gonzales?" tanong ng doctor pagkatapos lumabas sa OR. "Ako nga po" sagot ni Mama. "Please follow me Ma'am" utos ng Doctor. Agad ako hinila ni Tita. "Kailangan mo rin malaman ang kalagayan niya" bulong niya sa akin.
"Mrs.Gonzales, didiretsuhin ko na po kayo. May Euclius Amnesia(Imbento lang ito lahat ni Author) ang anak niyo. Ang Euclius Amnesia po ay isang uri ng amnesia. Maari pong makalimutan ng pasyente ang lahat, pero po ang kalagayan ni Prince ay ang pinakamalala. Makakalimutan niya ang lahat at maaari ding makalimutan niya ang iba sa ugali niya. Halimbawa po, kung dati masiyahin at matampuhin siya maaaring makalimutan niya ang pagiging masiyahin niya at maging malungkutin siya." paliwanag ng doctor.
"May lunas po ba dito?" Tanong ni Tita. "Sorry po pero wala pa po kaming nahahanap na gamot na talagang makapagpapagaling sa ganitong uri ng sakit" sagot nito, "Hanggang kelan po tatagal ang amnesia niya?" Tanong ko. "Temporary lang po pero po didiretsuhin ko na kayo, maaari po kayong mahirapan sa pagbabalik ng memorya niya. At it takes a lot of time and effort po" sagot nito.
"Doc, lahat po ba makakalimutan ni Prince?" tanong ni Tita. "Di naman po sa lahat pero maaari niyo pong ipaalala sa kaniya ng paunti-unti" sagot muli nito.
Paano kung nakalimutan na ako ni Prince? Paano kung tuluyan na akong nabura sa isip niya?
---------
"Wag kang mag-alala Ellin, siguradong di ka nakalimutan ni Prince. Mahal na mahal ka kaya ng anak ko" sabi ni tita na medyo nakapagpagaan ng pakiramdam ko."Ang isip nakakalimot pero ang puso hindi" sabi ni Tita Meredith. Niyakap niya ako na tuluyan nang nakapagpagaan ng pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
T W E N T Y O N E (EXOxFX)
General FictionSi Ellin at si Prince ay kapwang nasaktan dahil sa past relationships nila. Ito ang naging dahilan kaya magbago sila. Ano kaya ang mangyayari kung magkakatagpo ang magkahiwalay na landas? To make the story short, dahil sa Past nasaktan sila Dahil na...