Chapter Sixteen

9.3K 187 28
                                        

"I do not know what makes a writer, but it probably isn't happiness."
―William Saroyan

Chapter Sixteen

D e n n i s e

"Hindi ko na alam kung kaya ko paaaaa!" I cry while I'm in Alyssa's arms inside her room in their house here sa San Juan, Batangas.

Nakarating kami ng alas dos dito after spending 3 hours na nakahiga lang sa beach. And now I'm breaking down. I don't know, my thoughts are drowning me tonight. But this girl here, Alyssa, is doing everything to get me out of the water.

"Babe, calm down, okay? Shh," She said while she's sitting at the edge of her bed at ako ang may sakop ng kama. "Of course you still can. I'm here, remember? I'm here for you. I'm here with you. Calm down, babe. Calm down.."

Her voice is enough to calm me down. Hinalikan niya ang noo ko nang dahan-dahan. Aaminin kong gumagaan na ang pakiramdam ko. I'm slowly calming down. But my demons are still with me. They're laughing in my head. They're laughing at me.

"Akala ko okay na ako, eh. Akala ko wala na akong pakialam kasi pagod na ako. Pagod na ako sa kanya. Pagod na ako sa mga pinagagawa niya. Pagod na ako sa pagpapahirap niya. Pero hindi pa pala. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin pala." I cried. "It just sucks that I know he'll never be proud of me, you know? No matter what I do, no matter how hard I try, I'll never hear those words. He'll never say those words to me. Alam kong ang sama ko para mainggit kay Mosh pero naiinggit talaga ako," I said, no pause. And then I cry again. I screamed again. Humihigpit ang hawak sa akin ni Alyssa, nararamdam ko. Pero hindi mawala 'yong nararamdaman kong galit, inggit, at lungkot. Nangingibabaw pa rin iyon sa'kin.

"Shh, don't say that, babe." Ly holds me even tighter. "Sigurado ako na darating 'yong araw na masasabi niya ang mga iyon sa'yo. Noong araw na nag-punta ako sa kanya, hindi siya nakasagot noon, di ba? Baka na-realize niya na. 'Yong tanong ko, baka may sagot na siya. Baka maganda 'yong sagot niya, 'di ba?"

Sinasabi niya lahat nang malumanay sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa, pero napapakalma niya ang buong katawan ko. Bumabalik 'yong pag-hinga ko. Nagiging kalmado ako. Ang isang kamay ko at ang isang kamay niya ay namamawis na dahil sa tagal ng pagkahawak naming dalawa. Pero balewala iyon, basta hawak namin ang isa't isa.

Dahan-dahan at maingat niya akong tinulungan makaupo sa kama. Tumingin siya sa mga mata ko. Magulo ang itsura ko ngayon. Mukha akong basura, alam ko. Pero si Alyssa ay tinitignan ako na parang isang bride na naglalakad sa aisle.

"I'm here, love. Kung kailangan mong umiyak magdamag, maghapon, nandito ako. I will stay with you, hanggang sa mailabas mo lahat ng lungkot at galit mo. Kung pagod ka na, magpahinga ka sa akin kasi nandito pa rin ako-hindi mapapagod. Hinding hindi ako mapapagod punasan ang luha mo. Hindi ako mapapagod protektahan ka sa lahat ng bagay na nakakasakit sa'yo. Hindi ako mapapagod na hawakan ka nang ganito. Kung pagod ka na, sa akin ka magpahinga. Kasi hindi ako mapapagod na alagaan ka.. Hindi ako mapapagod na mahalin ka.."

Then she slowly placed my head on her chest. I stopped crying. Niyakap ko siya nang mahigpit kasi na-speechless ako. Nakakaspeechless 'yong pagmamahal sa akin ng taong ito. Niyakap ko lang siya at naririnig ko ang tibok ng puso niya. Naramdaman ko lalong safe ako, na protektado ako.

"Kapag nahihirapan ka na, just think of yourself when you were a little girl," My girlfriend said. "Remember na 'yong little girl na iyon, ayaw masaktan. And she's counting on you to protect her so no one could hurt her. The little girl believes in you. The little girl trusts you. And that little girl-right now-is so proud of you."

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon