Chapter Twenty-two

8.1K 217 29
                                    

"You mean so much to me that sometimes I don't know how to handle it. I want you to care for and arrest you in my arms as if the world wasn't yet ready to deserve someone like you"

— Vitor Hugo Mota

Chapter Twenty-two:

D e n n i s e

    Kasabay ng mabilis kong pagpanik ay ang mabilis na pagsunod din ni Alyssa sa likod ko habang tawag nang tawag sa pangalan ko. Ayoko siyang lingunin. Hindi ko siya kayang lingunin. May kulog at kidlat akong nararamdaman sa loob ng puso ko ngayon at siya ang may dulot n'on.

    "Teka, Den. Mag-usap naman muna tayo," Sabi niya habang patakbo palapit sa akin. "Den naman."

    Nasulyapan ko na ang pinto ng kwarto ko kung saan balak kong dumiretso, patuloy ako sa paglakad ng mabilis habang siya'y gan'on din. Mabilis kong hinawakan ang pinto para maisara ko kaagad at nang hindi siya makapasok ngunit mabilis din naharang ng mga kamay niya ang pagsara ko nito.

    "Den," tawag niya sa pangalan ko na may tonong pagmamakaawa. Nakikita ko ang kalahati ng mukha niya sa pinto habang pilit ko itong sinasara. "Mag-usap tayo."    

    Narindi ako nang marinig ko ang sinabi niya. Tinigil ko ang pagsara ng pinto at sumagot sa kanya, "Mag-uusap? Ilang beses na tayo nag-usap. At sa ilang beses na 'yon, ilang beses ka rin nagsinungaling. Sabihin mo sa'kin, bakit pa tayo mag-uusap?"

    Ibinubuka ang pinto, sabi niyang parang kawawa, "Teka lang, pakinggan mo muna ako.."

    Magkaharap kami at nakikita ko ang mga nagmamakaawa niyang mata. Kaso 'yong sa aking mata, iba. Galit ang nakapaloob, hindi awa. Sakit ang nararamdaman, hindi pagsisisi.

    "Ly, nakakarindi na! Wala naman akong naririnig na totoo galing sa bibig mo," Sinabi ko habang ibinubuhos ang nararamdam ko sa bawat salitang binibitawan ko. "Paano kita papakinggan kung 'yong mga paliwanag mo puro kasinungalingan?

    "Ly, ang sakit kasi," nangingilid na ang luha mga mata ko kasabay ng panginginig ng boses ko dahil sa mga emosyong naghahalo-halo na sa loob ko. "Ako 'yong girlfriend mo pero ako 'yong walang ideya kung anong mayroon. Kung bakit ganito, kung bakit ganiyan. At kung bakit ayaw mong pumunta doon. Sana kasi sinabi mo agad. Ilang buwan tayong naguusap tungkol sa Berlin na 'yan, 'di ba? Sana kasi nabanggit mo man lang. Okay lang naman sa'kin, eh. Matatanggap ko naman basta sabihin mo lang. Kahit masakit, basta sabihin mo lang. Hindi 'yong sa ganitong paraan ko pa malalaman. Kasi nakakabaliw maghanap ng rason kung bakit hindi mo man lang sinabi. Mas nakakabaliw maghanap ng dahilan kung bakit hindi mo man lang nabanggit. Mas nakakapagtaka kapag ganoon, eh. Mas nakakapaghinala. Mas naiisip kong mahal mo pa siya, kung sino man siya."

    "'Wag ka namang mag-isip ng gan'un, Den," Sabi niya habang pilit na inaabot ang kamay ko ngunit pilit ko rin itong nilalayo sa kanya. Ayoko. Ayokong hawakan niya ako.

    "Mahirap. Ang hirap kasi," Sabi ko. "Paulit-ulit kong sasabihin sa'yo—kasi girlfriend mo ako. Hindi lang kasi kung ano 'yong tinago mo. Hindi lang tungkol 'yon sa trabaho mo. Hindi ako nagagalit dahil lang gusto kong pumunta doon—napakababaw n'un!" Nangingibabaw din ang galit at sakit sa akin ngayon. "Past mo 'yon, Ly. Past mo 'yong tinago mo sa akin. 'Yon 'yong hindi ko alam. Ano bang malay kong mahal mo pa siya? Eh hindi ka nga makasagot kanina 'di ba?"

    Napatitig lang siya sa lahat ng sinabi ko. At sabi niya, "Eh kasi nga magpapaliwanag pa ako.."

    "Ipapaliwanag mo pa ang ano?" Tanong ko ulit sa kanya. "Isang 'oo' o 'hindi' lang naman ang isasagot mo, bakit kailangang pahabain mo pa? Isang salita lang naman 'yong kailangan ko. Isang salita lang naman 'yong sasabihin mo para tapas na 'to. Bakit hindi mo masabi?"

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon