Chapter Twelve

11K 190 23
                                    

"Love me when I least deserve it, because that's when I really need it."

— Swedish proverb

 

Chapter Twelve: We're Gonna Draw A Square

D e n n i s e

 

    "Ang tanga-tanga mo, Dennise!"

    Pag-sigaw ko sa sarili ko para madama ko kung gaano talaga ako katanga. Nababalot ang katawan ko ng frustration right now. Ngayon ko lang na-realize ang katangahan ko 15 minutes pagkatapos umalis ni Aly, pagtapos kong paalisin si Aly. Ang tanong ko lang ngayon sa sarili ko, "Paano ko iyon ginawa?"

    Paano ko nasabi lahat ng iyon sa taong walang ginawa kung hindi ang suportahan ako? Paano ko nagawang sigawan ang taong sumugod ng alas-tres ng madaling-araw dahil kailangan ko? Paano ko nagawang ipagtabuyan ang nag-iisang taong kakampi ko? Paano ko nagawang saktan 'yong taong gagawin lahat para mapasaya ako? At bakit, bakit ang tanga-tanga ko?

    Kanina hindi ko alam kung ano ang sinasabi ko. Kanina hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Pero ngayon parang sinampal ako ng katotohanan. Magaling, pinagtabuyan ko 'yong isang taong kahit kailan hindi kayang gawin lahat ng ginawa ko sa kanya. Magaling, ngayon may isang na naman akong tinulak palayo at may isang tao na namang sumuko sa akin. Magaling, ngayon wala na ulit akong karamay.

    Mali ako ng ginawa sa kanya. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at ginawa ko lahat iyon. O siguro... binalot lang ako ng takot. Natakot ako. Sa lahat ng pinagdaanan ko—siguro natakot lang talaga ako. Pero mali pa rin, eh. Sobrang mali talaga.

    It's almost 6 in the morning. Ako ay nandito pa rin nakaupo sa sahig ng banyo ko. Hindi na ako nakagalaw pa dito simula nang pinaalis ko si Alyssa. Pero ngayon ang gusto kong gawin ay puntahan siya, kung nasaan man siya pumunta. Kaso alam kong nakaharang din ang mga magulang ko sa baba. Hindi ako papaalisin noon ng bahay mag-isa pero bahala na! Ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong makita si Alyssa. Kailangan kong humingi ng tawad. I know that I am so stupid. She's all that I really need. And now I pushed her away, too. Doon kasi ako magaling, ang mag-taboy ng tao. Tapos magaling din ako sa pag-iyak pag nawala na.

    Natatakot ako dahil baka galit siya sa akin. Nakita ko naman 'yong mukha niya noong sinigawan ko siya kanina. Hindi sanay si Alyssa nang nasisigawan. Kaya kung sigawan niya rin ako kapag nakita niya ako, tatanggapin ko. Kung ipagtabuyan niya rin ako—mahirap pero—tatanggapin ko. Pero sana huwag niya akong sigawan. Pero sana huwag niya akong ipagtabuyan. Alam kong napakagago kong tao kasi sobrang unfair ko sa kanya pero sana huwag niyang gawin sa akin 'yong ginawa ko sa kanya. Sobrang kapal ng mukha kong hilingin ito ngunit hinihiling ko pa rin na sana intindihin niya pa rin ako.

    Tumayo ako at inayos ang sarili. Nag-hilamos ako dahil magang-maga ang mata ko kakaiyak. Mukha akong binugbog, eh. Paglabas ko sa banyo ko ay nakita kong nakabukas pa rin ang pinto ng kuwarto ko. Hindi naisara ni Alyssa. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin at kung saan ako unang pupunta pero bahala na. Basta hahanapin ko siya.

    Ngunit pag-labas ko ng pinto ng kuwarto ko.. napahinto ako. Sobrang nanlumo ako. Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang mga tuhod ko. Sinapak ako ng kunsensya ko. Tinadyakan ako ng kahihiyan ko.

    "Ly?" Tanging nasabi ko. Nakaupo siya sa sahig na hindi kalayuan sa pintuan ko. Naka-patong ang ulo niya sa tuhod niya na yakap ng mga kamay niya.

    Agad siyang napatingin nang marinig niya ang tawag ko. Pinaghalo-halong gulat, saya at lungkot ang nakita ko sa mga mata niya nang makita niya na ako. At naiyak na ako. Gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa dahil sa hiya. Nahihiya ako sa kanya kasi kahit pinagtabuyan ko siya, hindi siya umalis. Nandito lang siya all this time.

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon