Chapter Six
A l y s s a
Sobrang sarap ng feeling nang magising nang walang alarm. Napaunat ako at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Isang mata ko lang ang nakadilat at hirap na hirap tumingin sa screen. At nakita ko ang text message galing kay Den:
Good morning, Ly! Woke up feeling good. I'm so excited for today and I don't even know why. My mom also said that she is excited to see you. I am, too. Get up na! J
And there you go― 'yong ngiti ko ngayon ay namumuo na. Nakahiga ako sa kama pero parang ulap itong nararamdaman ko. Oo, 'yong mga ganyang text sa umaga ay sapat na para sa magandang simula sa araw. I have no work today, which means I am free for the rest of the day. At itong araw na 'to ay para kay Den. Wala rin kasi siyang class. At nag-promise kasi ako sa kanya na sasama ko siya sa psychiatrist niya ngayon for her monthly check-up. With her mom. Then lunch after. Pagtapos naman ay diretso naman kami sa mga friends ko. Turn ko naman na i-welcome siya sa buhay, at mundo ko. And since 8 am at mayroon pa akong thirty minutes to get ready, binilisan ko na ang kilos ko. Sobrang excited na ako sa araw na ito.
Natatanaw ko na ang bahay nila habang nagmamaneho ako at palapit nang palapit. Kinakabahan din ako dahil ako ang magdadrive ngayon sa mga pupuntahan namin. Hininto ko iyong kotse sa tapat ng gate. Nandoon na si Den sa may gate. Napangiti ako nang makita ko na siya, nasisinagan pa ng araw ang kalahati ng mukha niya. Sobrang ganda niya sa ilalim ng araw. Halos makalimutan ko nang bumaba ng kotse.
Pagbaba ko ay nakangiti akong lumapit sa kanya at agad naman niya akong niyakap. Parang kahapon lang, magkasama kami pero sa yakap na 'to, daig ko pa nag-abroad. Daig pa namin ang mag-syota. Pumasok na kami sa loob. Sobrang tahimik. Parang walang nakatira. 'Yong Dad niya ata ay nakapasok na ng trabaho, 'yong Mom nagbibihis pa siguro. Umupo kami ni Den sa sofa at nakita kong nakalapag doon 'yong gray kong jacket na ipinahiram ko sa kanya noon, tapos sinuot na niya sa katawan niya. Maya-maya ay bumaba na rin 'yong Mom niya.
Napatayo ako sa kinauupuan ko, "Good morning po, Tita." Sabay beso sa kanya. Namamawis 'yong mga kamay ko at hindi ko alam kung bakit.
"Hello Alyssa," her mom greeted me with a smile. "Let's go?"
I nodded with a smile. Nag-tungo na kami sa kotse. Si Den sa passenger seat, at 'yong Mom niya ang solo sa likod. Hindi siya masyadong nagsasalita buong biyahe. Nagdadagdag lang siya paunti-unti sa mga kwento ni Den sa akin. Mga isang sentence lang tapos tapos na. Kadalasan ay pinapanood niya lang mabuti magsalita si Den. Parang nagugulat siya. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero sabay naman kaming tatlo naglakad sa loob ng hospital. Karamihan sa mga nurses at doctors ay binabati sila. Sa kanila nga pala ito. Pero habang naglalakad sa mga hallways ng hospital, iba ang nararamdaman ko. Para bang may naalala ako. May bumabagabag sa isipan ko. At sa tabi ko naman, si Den, ibang-iba noong nasa loob pa kami ng kotse kumpara sa ngayon. Kung kanina ay ang daldal niya at 'di maubusan ng kwento, ngayon ay sobrang tahimik naman niya. Kinakabahan sa muling pagkikita nila ng kaniyang psychiatrist.
I turned to her. "You okay?"
Ngumiti siya. Pero pilit. "Yeah."
I tapped her back lang. Wala na akong nasabing iba. Binabagabag talaga ako kapag nasa ganitong mga lugar ako. Katulad ng cemetery, morgue. Ayaw ko sa mga ganoong lugar. Trauma? Parang ganoon pero wala naman akong na-experience dati sa mga ganoong lugar. Tapos huminto na 'yong Mom niya sa harap ng isang pinto, ito na ata iyon, tapos kumatok na siya. Isang babae ang nagbukas ng pinto mula sa loob. Nakipagusap 'yong Mom niya habang kami ni Den na nakaupo sa may upuan na medyo malayo sa pinto, nagtititigan lang. Walang sinasabi sa isa't isa. Ni walang kahit isang salitang binabanggit. Titigan lang talaga.