Chapter Fifteen

10.9K 223 17
                                    

"She is delightfully chaotic; a beautiful mess. Loving her is a splendid adventure."

—  Steve Maraboli

Chapter Fifteen: Take Me Somewhere

A l y s s a

 

    "I love her, Sir," I told him. "Ang gusto ko lang naman po ay makita siyang masaya."

    "I love my daughter, too, Alyssa. I only want what's best for her," Sabi niya.

    "Pero 'yong best po na 'yon ang nakakasakit sa anak ninyo, Sir." He looked at me noong sabihin ko iyon. Halos ma-stroke ako nang tumutok na ang mga mata niya sa akin, halos di na ako nakapagsalita. Nilakasan ko pa rin ang loob ko dahil naisip ko si Den. Para sa kanya. "Nakita ko po kung gaano siya nahihirapan dahil hindi niya gusto 'yong ginagawa niya. Kung paano niya gusto tumakas dahil hindi siya masaya kung nasaan siya. Nakita ko rin po kung gaano siya kasaya noong nadiskubre niya ang pagpipinta. Habang hawak niya ang paintbrush, nakita ko po 'yong ngiti sa mukha niya na hindi ko nakita habang may hawak siyang stethoscope."

    Umupo siya ng tuwid sa kinauupuan niya. "Sinasabihan mo ba ako kung ano ang dapat kong gawin sa anak ko?" Sabi niya nang pagalit.

    "No, Sir. I'm just asking you to let her go kung saan siya masaya," I said in a calm voice. I try not to let the fear get inside of me. "She already spent her life doing what you want her to do, Sir. Pwede po bang this time hayaan ni'yo naman po siya gawin 'yong gusto niya? Pwede po bang this time hayaan ni'yo na siyang maging malaya?"

    "No, I can't. And I won't."

    At alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Paaalisin niya na ako. Kaya bago pa niya gawin iyon ay nagsalita pa rin ako.

    "Alam ko pong ang kapal na ng mukha ko pero ginagawa ko po ito para sa anak ni'yo," Sinabi ko sa kanya. "Huwag po sana kayo maging selfish. Sana po mamulat ang katotohanang 'yong anak ni'yo hindi masaya. Hindi masaya dahil sa inyo."

    Tinignan niya ako noon na para bang natauhan. Nakaramdam ako ng kaunting saya ng nakita ko ang tingin niyang iyon.

    "Sana po isipin ni'yo po siya kung gagawa kayo ng desisyon. Sana po gawin ni'yo 'yon hindi lang para sa sarili ninyo. Sana maisip po ninyo ang anak ni'yo. Bago ninyo pagdesisyunan ang isang bagay, sana maisip ni'yo ang kapakanan niya. Hindi 'yong puro kayo lang. Hindi 'yong puro ikaliligaya ni'yo lang. Hindi 'yong puro ikapaproud ni'yo lang. Mas maraming magaganda bagay po ang naghihintay sa kanya kung hahayaan ni'yo siya." I motioned myself to stand up. "Kapag mahal ni'yo po 'yong isang tao tapos sabihin niyang sa iba pala siya masaya, papakawalan ni'yo po ba?"

    Hindi niya ako tinignan nang tuluyan akong tumayo sa kinauupuan ko. Nakatingin lang siya sa dingding sa loob ng kanyang opisina. Hindi ko na rin naman hinintay ang pagtingin niya dahil natatakot din ako pag nagsalita pa siya. Kaya ang sinabi ko na lang:

    "Thank you, Sir. Mauna na po ako."

    At dali-daling tumakbo palabas ng pinto. Nanginginig ang mga kamay ko nang sinara ko na ang pintuan sa likuran ko. Nadarama ko pa rin ang kaba paglabas ko ng opisina niya. Umalis ako kaagad dahil baka habulin pa ako. Para akong gago pero natatakot din ako. Kunwari lang matapang pero duwag din talaga pag dating sa tatay niya. Sa pagmamadali, hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Tita Arlene, Mommy ni Den. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako.

    "Alyssa? What are you doing here?" Tanong niya sa'kin at nakahawak pa sa braso ko. "May sakit ka ba?"

    "Wala po, Tita. Eh kasi po—kinausap ko po si ano, si Tito po," Utal-utal ko pang sagot sa kanya.

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon