"Don't go, you're the only thing left that reminds that this life can be beautiful."
- Adam Zucconi
Chapter Eighteen: What Would I Do Without You
D e n n i s e
Abot langit ang kabang naramdaman ko noong buksan ni Alyssa ang pinto at narinig ko ang sinabi ni Mommy.
"Mike?" Gulat at nagtatakang sabi niya. Napatayo pa.
Kung hindi lang ganito ang kalagayan ko, tiyak napatayo na rin ako. Sinilip ko 'yong pinto kaso nakaharang si Alyssa, pero nasusulyapan ko naman si Dad. Nagtataka lang ako kung bakit siya nandito. Kung bakit pa siya pumunta rito. Kasi of all times na dinala ako sa hospital, pumupunta lang siya para pagalitan ako. Pumupunta lang siya para sabihan ako ng 'Oh God. My biggest mistake.' Kaya nakaramdam ako ng takot dahil siguro ganoon lang ulit, at takot baka mas ma-push ko pa 'yong sarili ko na tapusin na lahat 'to.
And then Alyssa let him in.
Napakapit ako sa kama ko nang mahigpit dahil sa nararamdaman ko lalo na when he started walking. He looked at my mom first, and then at me. Pero napansin kong iba ang aura niya. Hindi nakakatakot. Parang hindi nga siya, eh. Kinabahan lang ako lalo dahil baka pasabog naman ito.
Kinuha niya 'yong silyang nasa tabi ng kama ko kung saan umupo si Alyssa kanina. Pinanood ko lang siya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga nangyayari. His eyes look sad. As in. At first time ko lang makitang ganoon ang mata niya. Ella, Synj, Bea, Mom and Alyssa started to leave the room. Natakot lang ako lalo dahil alam kong magiging mag-isa na lang ako dito kasama siya.
I was starting to panic but then just before stepping out of the door, I called her.
"Ly!"
Napatingin siya. Si Dad napatingin din sa kanya.
"Please don't leave," I begged. "Please just stay here."
Nagulat siya sa sinabi ko at napatayo lang sa pinto ng ilang segundo, "But-" he looks at Dad.
And Dad said, "No, it's okay. You can stay, Ly," Tapos he smiled at her. Very unusual lang lalo na sa panahong ganito.
Umupo si Alyssa doon sa mahabang upuan sa may likod lang ni Dad. Having her here, natahimik ako. Naging panatag ang loob ko. Basta nandiyan siya, alam kong kakayanin ko. At kung hindi man, nandiyan naman siya. Alam kong hindi niya ako pababayaan.
Tinignan ko siya doon at parang nawala na lahat ng takot ko. Ngumiti siya sa akin at parang naging handa na ako. I smiled back at her. Tapos napatingin na ako kay Dad dahil kinuha niya ang kamay ko.
"Dennise.." He called.
Parang may kumalabit sa puso ko nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko sa ganoong tono ng boses. Dahil sanay akong lagi siyang nakasigaw. O kaya pagalit. Hindi ako nakapagsalita because I'm too overwhelmed.
"Dennise," He repeat.
May nag-click na naman sa puso ko nang marinig ko 'yon ulit. We're looking at each other's eyes right now at nakita kong napupuno ng tubig ang mga mata niya.
"I'm sorry." Sabi niya. Sinabi niya 'yon talaga. Hindi ako makapaniwala. Tumulo pa ang luha sa mata niya at sa kabila ng gulat, hindi ko napigilang tumulo rin 'yong akin. "Daddy's sorry. I really am."
His voice, his eyes, nararamdaman ko 'yong pagkatotoo niya. Hindi ko alam, hindi lang ako talaga ako makapaniwala na nandito siya ngayon at sinasabi ang mga ito. I never really expected this. Ngayon pa?
"Alam kong ako ang ako 'yong pinaka-worst sa mga pinaka-worst na tatay sa mundo, and anak, I am so sorry. I'm sorry for everything," Sabi pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18340154-288-k686281.jpg)