Chapter Three

12.4K 283 25
                                        

Chapter Three

A l y s s a

    Isang linggo rin akong nagpa-balik balik sa lugar na ito sa panibagong dahilan– dahil kay Dennise. Nagpupunta lang ako rito noon dahil gusto kong mapag-isa at gusto ko nang tahimik. Pero ngayon, hindi. Pumupunta ako dahil gusto ko siyang makita. Gusto ko lang malaman kung okay na ba siya, kung ano na ang lagay niya kasi simula n'ung araw na 'yon, hindi na nawala 'yong imahe niya sa isip ko. Kaya araw-araw na pupunta ako rito, hindi na katahimikan ang hanap ko. Siya na. Araw-araw akong nadidismaya tuwing hindi ko siya nakikitang nakaupo kung saan kami umupo n'ung araw na 'yon. Araw-araw akong nalulungkot kapag tinatanong ko sa sarili ko kung naalala niya pa kaya ako. Parang promo ng load, minsan talaga good for one day lang. 

    Isang araw nalang, sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa usual kong puwesto. Tapos bukas, hindi na ako aasa.

    Patuloy akong naglalakad sa ilalim ng mahinang ulan, ang dalawang kamay ko nasa bulsa ng jacket ko. Paunti-unting hakbang hanggang sa matanaw ko na nga siya, kung siya na nga iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng 'di maipaliwanag na saya. Nakaupo siya sa kung saan kami nakaupo noong araw na 'yon. Malungkot at walang kabuhay-buhay. Napatingin ako sa langit, tinignan ang lumalakas na bagsak ng ulan. Tumakbo na agad ako papunta sa kanya.

    Pero noong nasa likod na niya ako, napahinto ako. Ako rin kaya ang pinunta niya rito?

    Nanigas 'yong katawan ko, na-blangko ako sa dapat na gagawin ko. Napatitig lang ako sa likod niya. Manipis lang 'yong t-shirt niya kaya hindi na ako nag-dalawang isip hubarin 'yong jacket kong suot. Inabot ko 'yong likod niya tapos ipinatong ko ito sa kanya,  at isinuot 'yong hood sa ulo niya para hindi mabasa. Lumingon siya, tumingin sa akin. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang nakangiti. At naalala ko lahat n'ung araw na 'yon. 'Yong promise.

    "I promised," Sabi ko. Hindi na rin maiwasang mapangiti.

    Tumalon siya papunta sa akin tapos niyakap ako. Nagulat ako. Parang magkakilala na talaga kami. Hindi ko nakayanan at niyakap ko na rin siya. Ng mahigpit. At napapikit pa. Na-miss ko siya kahit hindi ko siya kilala. Weird, pero totoo. At sa kalagitnaan ng yakap na iyon. Iba na 'yong naramdaman ko. Naramdaman ko 'yong lungkot niya. 'Yong para bang kailangan niya ng yakap talaga. Na kailangan niya ako. Hindi na ako nahiya. Niyakap ko siya lalo at hindi ako bibitaw hangga't hindi nawawala 'yong lungkot niya.

    "I need you," Bulong niya sa tenga ako. Nadurog 'yong puso ko n'ung narinig ko 'yon. Kasi may kirot sa boses niya.

    Hinawakan ko siya sa balikat at tinignan.

    "May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Medyo naaalis sa utak ko na hindi pa nga pala kami magkakilal.

    "Madami." Sabi niya.

    Umupo kaming dalawa para makapag-usap ng maayos.  At nagkaroon ulit ako ng chance titigan siya habang hindi pa siya nagsasalita. Iniipon pa niya 'yong sinisabi niya.  She looks so pale. Iba n'ung una ko siyang makita. Para siyang may sakit. Pero . . .

    "But first," Nag-salita na siya at naputol 'yong mga iniisip ko, "promise me, again, that after what I will tell you, hindi mo pa rin ako iiwan. Hindi mo pa rin ako lalayuan. Hindi mo pa rin—"

    "I promise." Sabi ko na kaagad. Kasi kahit anong sabihin niya at kung ano mang malaman ko, hindi ko na siya lalayuan. Hindi ko na kaya.

    Napatingin siya muna sa akin at natigilan din. Nakita ko 'yong tinatago niyang ngiti dahil sa sinabi ko. Sumaya ulit ako dahil napapangiti ko na siya.

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon