Chapter Thirteen

11.2K 204 32
                                    

"So I walked back to my room and collapsed on the bottom bunk, thinking that if people were rain, I was drizzle and she was a hurricane." 

― John Green, Looking for Alaska

Chapter Thirteen: And It's Killing Me

A l y s s a

    Tumayo si Den mula sa tabi ko at naiwan akong mag-isang nakaupo sa kama niya. Hindi ko alam ang dapat kung gawin nang lumapit na siya sa Dad niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumayo, magsalita o makinig na lang dito. Gusto ko sanang hilahin siya at sabihin na kung para sa akin itong ginagawa niya, ay huwag na lang. Kaya ko naman. Kaso when she's already taking steps, I saw her turned her bitch face on. Hindi na ako makagalaw. Kinakabahan ako sa kung anong gagawin nito ni Den at kung kakayanin niya ba. Wala akong idea pero sana oo.

    Nang makalapit na si Den ay narinig ko na siyang nagsalita, "Pati ba naman kami ni Alyssa kokontrolin mo?"

     "So mas mahalaga iyang girlfriend mo kaysa sa pag-aaral mo? Kaysa sa akin?" Agad na sagot ng Dad niya sa kanya. Gusto kong pumagitna sa mga oras na ito sa kanila kaso alam kong makakagulo lang iyon lalo. "Matigas talaga ang bungo mo, ano?"

     "Kapag sinabi kong mas mahalaga siya, magagalit ka rin ba?" Sabi niya at naririnig ko na ang katarayan niya sa boses niya. Nakakatakot na kapag ganito na ang tono ng pananalita nito. Bitch na talaga. "Oo, Dad. Mana ako sa'yo."

    Gusto kong sumigaw ng "Burn". Nakita ko 'yong simpleng pag-ngisi ni Den pagtapos nang sinabi niya at 'yong pagkabadtrip ng Dad niya. Biglang natatakpan 'yong kaba ko dahil sa mga sagutan nilang dalawa. Mag-ama nga ito.

    "Ano ba ang gusto mong patunayan? Na matapang ka? Na kaya mo ako?" Her dad started to make gestures with his hands. Namumula na rin ang mukha niya sa galit. I wonder kung anong nararamdam ni Den ngayon. Kung natatakot pa rin ba siya o hindi na. "You're giving up your dream, Dennise."

    Den went silent for a second. Nagtititigan lang silang dalawa. Nararamdaman ko pinaghalo-halong emosiyon niya. 'Yong lungkot, 'yong takot. And right now, gusto ko siyang lapitan at yakapin tapos sabihin sa kanya na she's doing great.

    "No," She replies with a cold voice. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa Dad niya. "I'm giving up your dream, Dad."

    Napakagat na ako sa knuckle ko ng moment na 'yon dahil kinakabahan ako. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na ngayo'y tahimik. Biglang nakita ko si Den na lumingon sa akin at agad kong tinanggal 'yong kagat-kagat kong kamay dahil ayaw kong ipakita sa kanyang kinakabahan ako. Ang ginawa ko na lang ay ngumiti sa kanya. Pagpapakita na proud ako sa kanya ngayon. And she smiles back. Tapos parang nawala 'yong kaba ko.

    Pero naputolagad  iyon nang makita kong tumingin din ang Dad niya sa akin. Nakita niya 'yong pag-ngiti naming dalawa sa isa't isa. Natakot ako bigla dahil baka pagsalitaan niya na naman ako.

    At nag-salita nga siya habang nakatingin sa akin pero ang anak niya pa rin ang kausap.

    "Para saan? Para sa babaeng 'yan?" Tinuro niya pa ako at napadiretso na lamang ako ng upo.

    Nakatingin na ulit sa kanya ngayon si Den. Ngayon din ay hindi na ako masyadong kinakabahan dahil sa nginitian niya ako kanina. Nakakuha ako ng lakas doon, eh. Naging okay ako bigla.

    "For myself," She answered. "Ginagawa ko ito para sa sarili ko. Ginagawa ko ito para gawin 'yong bagay na gustong gawin, and yes, para rin kay Alyssa. Kasi siya 'yong tumutulong sa akin para maabot ko ang pangarap na 'to. Ayaw ko nang maging sunud-sunuran sa inyo. Quota na ako sa miserableng buhay na pinaparanas mo sa akin. Pwede po ba ako naman ngayon? Pwede po ba sumaya naman ako ngayon?"

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon