Chapter Two: My Biggest Mistake
D e n n i s e
"Good morning," bati sa akin sa isang tahimik na umaga. "And oh, welcome back, Ms. Lazaro."
Familiar ang boses na 'yon. Pinilit kong magising kahit hirap pa at napatingin sa mga kamay ko. Nakita ko ang benda at dextrose. Uh, here we go again.
"Why didn't you just let me, Doc?"
"Just doing my job, Ms. Lazaro," Sabi niya sa akin. "If only I had a choice."
"And?"
"And," Tumingin siya ng masama sa akin. "your father owns this hospital, future Dr. Lazaro." 'Yong totoo, gusto ko lang talaga matawag na 'Dr. Lazaro'. Wala lang, gusto ko lang bumigat lalo ang pakiramdam ko. Kahit kabaliktaran lagi ang nangyayari dahil ako lagi ang pasyente rito.
Pabalik-balik lang ako rito. Ito na nga ang pinaka-paborito kong bakasyunan simula n'ung una kong attempt, I cut wrist, maybe four years ago n'ung nawala ang lola ko, ang nag-iisa kong kakampi bukod kay Mommy. Naulit n'ung pinasok ako sa Med. School dahil ayaw ko mag-doktor. Naulit ulit. Nalaman kong mayroon akong Major Depressive Disorder. At naulit na nang naulit. Overdose, suffocation, drowning. Tibay ng katawan ko, ayaw pa bumigay, though 'di naman talaga 'yon 'yong eksaktong dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to. May part na dahil gusto kong mamatay, pero 'yong mas mabigat na dahilan ay 'yong dahil sa ganitong paraan ko ipinahihiwatig na . . kailangan ko ng tulong dahil 'di ko na alam kung paano pa tatakasan 'to. Hindi ko gustong mamatay. I just want the pain to stop.
At ngayon, because of Myco.
Dati ang sinasabi nila sa'kin, "Anak, please don't do this. We can fix everything," at may kasama pang iyak-iyak. Pero ngayon ang sinasabi na nila, "Do you really want to die, Dennise? Ako nalang ang papatay sa'yo!"
"Sure thing," Sabi ko kay Daddy. "I'd love to, Dad."
"What do you want, Dennise?" Sigaw niya ulit sa akin. "Attention? Nasa iyo na lagi ang atensyon namin!"
Tinignan ko siya ng malalim.
"I don't need your attention," Lumihis na ako ng tingin. "Help. I need help."
Napaupo siya at maya-maya lumabas na ng kuwarto. Hindi ko alam kung na-konsensya siya pero sana nga, kung mayroon man siya n'un. Lumapit sa akin si Mommy pero wala akong iniintindi sa sinasabi niya. Walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko na naririnig 'yong sinasabi niya dahil sobrang ingay na sa utak ko. Tinakpan ko 'yong tenga ko. Pumikit at saka sumigaw. Pagod na akong lumaban. Binging-bingi na ako. Gusto ko nang sumuko. Katulad ni Alaska, ang tanong ko rin: "How will we ever get out of this labyrinth of suffering?" Lalo akong napasigaw. Naramdaman ko nalang 'yong tumusok sa braso ko at unti-unti nang tumahimik, unti-unti na akong napapikit, unti-unti na akong nakatakas kahit saglit lang.
Pero ilang saglit, unti-unti na ring pabalik nang pabalik. Nararamdaman ko 'yong lamig ng kamay na nakahawak sa kamay ko. Sa kabila ng nararamdaman ko, kinilig ako nang bahagya.
"Den, you okay?" Napamulat ako at napatingin. Nakita ko si Myco na nangingilid ang luha. "I'm sorry." Sabay tulo ng luha niya sa kamay ko na hawak niya.
'Di ko alam kung bakit pero parang nalungkot ako n'ung nakita ko siya. Na-disappoint. Para bang hindi siya 'yong ine-expect kong makita at lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Lalo lang humirap. Tinanggalan ko 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko at tumingin sa malayo. Kami lang ang tao rito. Hindi ko alam kung nasaan 'yong ibang kasama ko rito. Inabot sa akin ni Myco 'yong bouquet flowers.