"Love is a disease no one wants to get rid of. Those who catch it never try to get better, and those who suffer do not wish to be cured."
— Paulo Coelho
Chapter Ten: I Will Stay
D e n n i s e
I searched through all the dictionaries I could find, but there's no other words to describe this feeling but 'happy'. Just that word and there is no need to explain everything. Ilang buwan pagkatapos ko siyang makilala, hindi ko na maipaliwanag kung gaano ako naging masaya. Oo, mayroon pa rin namang lungkot pero mas nangingibabaw pa rin talaga 'yong kaligayahan. Iba 'yong dulot sa akin ni Alyssa. Sobrang saya ko lang nitong mga panahon na ito na nakalimutan ko na 'yong huling beses that I thought about killing myself. Dahil ngayon walang siyang ibang ginawa kung hindi bigyan ako ng rason para mabuhay. Mabuhay ng masaya. And right now I'm really learning to love life because of her. It's true, though—what I said to Myco about never having to feel this way when I'm with him. Because I never really did. Not trying to sound rude here but it's really true. I have never felt this way with anyone but Alyssa. I still recognise Myco's efforts when we're still together pero no match 'yon sa mga efforts ni Aly. 'Yong araw-araw gigising ka nang nakangiti kaagad kahit wala pa namang nangyayari. Tipong maisip mo lang siya. Maisip mo lang na makikita mo siya. Maisip mo lang na nandiyan siya. Maisip mo lang na sa'yo siya. Maisip mo lang 'yong mga simpleng bagay na iyon tungkol sa kanya, enough na para makabangon ka.
Si Alyssa, sobrang simple lang niya. Hindi siya 'yong tao na madaming hangad sa buhay. Okay na sakanya 'yong basta makasama niya 'yong mga taong mahal niya. Sa totoo lang, sobrang successful na niya ngayon at nakikita ko 'yon. She is a high-paid engineer, enough to build her own house and live alone. Kung ako siya ay matagal na akong umalis sa bahay. Pero siya, mas pinili niyang magpagawa ng bagong bahay para sa family niya. One time, tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang humiwalay sa kanila. "No, hindi naman sa takot akong mag-isa. That was my plan when I was younger: humiwalay na sa kanila as soon na may trabaho na ako. Kaso na-realize ko na kahit gaano ko sila ka-hate minsan, mahal ko sila masyado para iwan sila," Sagot niya sa akin noon and that's how much she loves her family. I really admire her for that. Hindi pa talaga ako nakakakilala ng taong kagaya niya na sobrang simple lang pero mapagmahal, mapagbigay, sobrang selfless. Never nga kaming kumain niyan sa mga restaurants, ever. Mas prefer niya 'yong sa mga Café lang, tea shops, ganoon. O hindi kaya sa mga kainang madadaanan lang. At mas gusto niya pa rin 'yong lutong bahay kaysa sa mga sosyal na pagkain. Gaya nga ng sabi niya, napatunayan kong hindi nga siya 'yong romantic na tao na bibigyan ka ng bouquet of roses, chocolates or a fancy dinner-for-two with candles and petals of flowers on the floor. Pero she will make you feel really special sa simpleng pag-takbo lang agad papunta sa iyo kapag kailangan mo siya. Hindi rin siya 'yong tipong dadalhan ka ng lunch lagi—well, ako 'yong nagdadala ng lunch sa kanya minsan, eh, hehe—pero siya 'yong taong sasamahan kang magutom kapag ayaw mong kumain. Minsan nga lang niya sabihin ang salitang 'I love you' sa akin, eh. Hindi ko naman hinihiling na sabihin niya iyon parati dahil kapag lumabas na iyong mga salitang iyon sa bibig niya, mararamdaman mo talaga 'yong sinasabi niya. Mararamdaman mo talaga na mahal ka niya. She say those words in the most wonderful timing—sa mga panahong kailangan mo talagang marinig iyon. She knows when to say it but she has no idea how perfect her timing is.
"Sobra-sobra na ang mga rason sa mundo kung bakit dapat kong ipagmalaking girlfriend ko si Alyssa Valdez," Sabi ko pa kay Bea after telling her all those things about Alyssa. Sa dami nang sinabi ko, thank God, she doesn't look annoyed. She looks so excited, actually. "Noong una kaming magkakilala, we talked about this someone that I deserve. I told her to be that someone and that day, she promised to be that someone. Hindi niya ako binigo," Sabi ko habang ngiting-ngiti nang maisip ko nga iyon.