Chapter Twenty

6.5K 185 9
                                    

"How beautiful to find a heart that loves you, without asking you for anything, but to be okay."

—Khalil Gibran


Chapter Twenty:

D e n n i s e

    "Are you sure you don't want to join us?" Tanong ko kay Alyssa na nakaupo sa driver's seat, maingat na pinapark ang sasakyan. "Magiging sobrang masaya ako kapag sumama ka. Please?"

    "No na," She said, without looking at me kasi nakatingin pa siya sa pinagpaparadahan niya. "I want you two to enjoy your first date together. First time ni'yong dalawa 'yon, so dapat kayo lang para mas happy."

     Tumingin siya sa akin at tinataas-taas ang kilay at ngumiti sa akin. Umupo lang ako na parang bata, naka-pout habang nakatingin sa kanya. Plus my puppy eyes.

    "Mas magiging happy ako kapag kasama ka," Sabi ko sa malungkot na boses at bahagya siyang napatingin sa akin at nakita rin ang malungkot kong mukha.

    At kahit tinatago niya, nakikita ko pa rin 'yong ngiti niya nang makita niyang ganito ang itsura ko, "Please don't give me that look, babe."

    Pinulupot ko ang katawan ko sa bato-bato niyang braso. Gahd. Pero I begged her pa rin, "Sama ka na kasi."

    "Hindi pwede, babe. Look, this is the first time after a long time na lalabas kayo ng Dad mo. So it would be great kung kayong dalawa muna, 'di ba?" Kinuha niya ang kamay ko, at pinanood ko kung paano niya pinagsama ang mga kamay namin. Tapos tinignan ko ulit siya habang nagsasalita siya. Nakasandal pa rin ang katawan ko sa kanya. "Pwede naman tayo lumabas next time. Hindi lang ngayon, dahil ang araw na ito ay para sa inyo, okay?"

    We looked at each other for a second. Parang kinukumbinsi ng mga mata niya na pumayag na ako. I can't resist those eyes.. so I nodded. At ipinatong ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. "Okay," Sabi ko, pumayag na rin.

    We were silent for a minute. Tinitignan lang namin ang magkahawak naming kamay.

    "It's crazy how our hands perfectly fit together," I told her, smiling. And I can feel her smiling, too. "Do you think today will turn out good?"

    Tanong ko sa kanya. A slight worry in my voice and she can sense it, I know.

    "Babe," Umayos siya ng upo para matignan ako sa mata nang maayos. "Today's gonna be great. It's been years since the last you two are doing this, and I think Tito Mike will make sure that you're gonna be happy today."

    I sighed.

    "Natatakot lang ako.." Kahit ayaw ko na itong sabihin, sinimulan ko pa rin. Alam ko kasing kapag sinabi ko sa kanya mawawala ang takot ko at mapapagaan niya ang loob ko. At siya lang nag-iisang tao nakakapagparamdam sa akin ng ganito. "I'm just scared na kakausapin niya lang ako about Med. School. Na he will convince me to go back. I'm scared na baka pakana niya lang lahat ng ito para bumalik ako sa dati. 'Yong gusto niyang ako. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ito at alam kong hindi ko dapat iniisip ang mga ganito pero 'di ko alam, 'di ko lang talaga mapigilan, eh. Naiisip ko rin na baka hindi niya rin ako tanggap.. tayo. I'm overreacting na, I know. But I really can't help it.."

    Nang napayuko ako ay dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko at nakita ko ang mukha niya, diretsong nakatingin sa akin ang kanyang mga mata.

    "I don't think Tito Mike will do that. I may not know him that well, pero tingin ko ay 'yong kung ano ka ngayon, kung 'yong ginagawa mo ngayon, tingin ko tanggap niya na 'yon. He's happy you're happy. And today gusto niya lang bumawi sa mga pagkukulang niya sa'yo for the past years. Hindi enough 'yong ilalabas ka lang niya at magba-bonding kayo para mapunan lahat ng iyon, but I know he's trying. Dahan-dahan, step by step, I know he's really trying to make his princess happy.. our princess happy," And I can't even explain the feeling when she said that I am their princess and the way she smiled after saying that. Nalusaw 'yong takot at napalitan ng kilig. "So don't worry na, ha? Everything's gonna turn out fine. Trust me. Trust Tito Mike. Alright, love?"

Her LatibuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon