"They wanted happiness without knowing what it was, or where to look, which made them want it all the more."
-Tim O'Brien, In the Lake of the Woods
Chapter Fourteen: I'm The Dumbass
D e n n i s e
"Bakit hindi mo ako ginising?" Mahinahon kong tanong kay Alyssa nang makita ko siya pagkamulat ng mga mata ko. Nakatayo sa harap ng cabinet niya, naka-suot na ng maong niyang pants. Nakasabit na sa kanya 'yong polo niyang pamasok. Ibubutones na lang.
"Uh," Napalingon siya sa akin nang magsalita ako. Nagulat. Tapos tumingin na ulit sa polo niya. "Naisip ko kasi kailangan mo kasing magpahinga. 'Yon din ang sabi ni Mama kaya hinayaan kita matulog."
Habang nakabalot pa rin ng kumot ang katawan ko at nahihirapan pa akong bumangon dahil literal na kagigising ko lang talaga, pinilit ko pa ring tumayo mula sa kama. Naglakad ako papunta sa kanya kahit na hindi ko pa maimulat ng maayos ang mga mata ko dahil hindi pa rin ako nakakapagtanggal ng muta.
"Sana ginising mo ako para naasikaso kita," Sabi ko sa kanya tapos malumanay kong tinanggal 'yong kamay niya sa polo niya at ako na ang nagtuloy ng pagbubutones.
"You don't have to, though," Sagot niya sa akin habang nakatingin siya sa ginagawa ko. Pataas na ng pataas 'yong pagbutones ko. "Kaya ko naman."
Tapos inayos ko 'yong kuwelyo niya nang matapos ko ang pagbubutones. Gah, ang hot niya talaga kapag nakaganito na. Tinignan ko siya after pero lumihis siya ng tingin. Pumunta sa ibang direksyon to get her sneakers. Ayaw niya nang may heels.
"May almusal na doon sa baba," Sabi niya, nakatalikod siya sa akin at nagsusuot ng sapatos. Ang cold pa rin ng boses niya.
Hindi pa rin kasi kami okay ni Aly, eh. Hindi ko na siya hinabol kahapon nang sinabi niyang mauna na ako maligo. Naligo na lang talaga ako noon tapos pumasok na siya agad sa banyo pagkatapos ko. Umupo lang ako noon sa kama at nag-hintay. Pero pag-labas niya hindi na ako nakapagsalita. Hindi niya rin ako kinakausap, hindi niya rin ako tinitignan. Nagpatuyo lang siya nang buhok tapos ako naman wala nang nasabi. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kahapon, eh. Nang matuyo ang buhok niya ay humiga na siya sa kama at natulog na buong araw. 'Yon din ang ginawa ko pero nagising ako ng mga 4 pm pero siya tulog pa rin. Naglaro lang ako sa laptop niya habang hinihintay siya. Mga 8 na siya nagising. Mamaw talaga 'yan matulog. Pero pag gising niya bumaba agad kami para kumain. Hindi niya pa rin ako kinakausap masyado, kapag may tatanungin lang siya. Doon lang. Nanood muna kami ng movie sa baba kagabi after kumain kasama ang Kuya, Mama at Papa niya. She was sitting next to me the whole time pero hindi niya rin ako kinakausap. Ganiyan siya, kahit alam niyang may problema hindi ka niya kakausapin hangga't hindi ikaw ang nauuna. Mataas talaga ang pride. Pag-akyat namin kagabi, ang plano ko kakausapin ko na talaga siya. Syempre, ako talaga ang mauuna. Dahil ako rin at ang tatay ko ang dahilan kung bakit siya ganyan, eh. Pero pag-pasok ng kwarto, aba, tuloy-tuloy lang sa banyo; nag-toothbrush, nag-hilamos tapos humiga na sa kama. Wala na akong nagawa. Wala na akong nasabi. Pumasok na lang din ako sa banyo at doon naluha. Hindi siya 'yong usual na Alyssa na kilala ko na laging nakangiti sa akin. Siguro nga ganoon lang kalakas 'yong epekto ng sinabi ni Dad sa kanya. Humiga na lang din ako sa tabi niya kagabi at malamabing na bumulong, "Kung ayaw mo pagusapan, okay lang. Bukas na lang."
At ito nga ngayon, iniiwasan niya pa rin ako.
"Hindi mo ako sasabayan?" Tanong ko sa kanya nang may lungkot sa boses ko. Natatakot din kasi ako at nahihiya. Bahay nila 'to, mag-isa lang akong kakain sa lamesa nila. Lahat ng tao dito nakapasok na ng ganitong oras. Eh ako wala na akong balak pumasok pa sa Med. School. Bahala 'yong tatay ko.