Chapter Five
A l y s s a
Araw-araw, ganitong oras, nakaupo na ako dito at tinitignan ang liwanag ng araw. Ang bughaw na ulap. Ang maaliwalas na kalangitan. Pinapanood ko ang pag-daan ng mga bangka, pati 'yong mga barko sa malayo. Tinatanaw ang mga eroplano. Napapatingala sa mga malalayang ibon. Nagiisip-isip at nagmumuni-muni lamang.
Iyon 'yong mga araw na hindi ko pa siya nakikilala.
Wala pa rin namang pinagbago ngayon, sa totoo lang. Ang nadagdag lang sa mga bagay na iyon ay ngayon, may hinihintay na ako. Napapalingon na ako sa gilid. Napapatingin sa likod. Minsan siya ang nauuna at minsan ako. Kada pumupunta kami rito ay di na namin kailangang i-text ang isa't isa na "On my way," o kung anuman. Para bang may connection na kaming dalawa sa katawan mismo. O siguro 'trust' na rin. Tiwala na hindi namin bibiguin ang isa't isa kahit wala namin kaming ipinangako. Hindi na namin kailangan pang pag-usapan pa iyong mga ganoong bagay. Mahigit dalawang linggo palang kami magkakilala pero parang nababasa na namin ang isip ng isa't isa.
Tahimik ang paligid at unti-unting ingay lamang ang naririnig ko nang bigla niya akong ginulat.
Napangiti ako nang makita ko siya. Well, palagi naman.
"How was your day?" Tanong ko sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko.
"At school? Not good as always," Sabi niya, medyo malungkot ang mukha. "Parang nasa bahay lang din ako. Impyerno pa rin 'yong dating."
Napatingin ako sa kanya.
"But now, with you," Tumingin siya sa akin nang nakangiti at nakakalokong tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti na rin dahil sa tingin at ngiti niya, "I feel good," She smirks at me. "So good."
Hindi ako 'yong tipo ng tao na sweet. Hindi ako 'yong sobrang romantic. Ni hindi nga ako marunong bumanat ng pick-up line. O siguro romantic namana talaga ako, pero in a way. Pero ngayon hindi ko na alam kung paano ituloy itong usapan na ito.
"Me, too. Life has been better since the day you came," Tanging nasagot ko. Keeping everything steady. Nakakaramdam ng kilig habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
Kinuwentuhan niya ako tungkol sa mga nangyari sa araw niya. Na-awardan na naman daw siya ng prof niya dahil na-late siya kanina. Yeah, late na nga rin siya nakapag-reply sa good-morning text ko kanina. Pero okay lang. ha ha. Kinuwento niya rin 'yong lunch nila nina Bea and her boyfriend. Sabi niya pa nga na gusto niya akong ipakilala sa kanila, which totally made me smile. Wala lang. Parang proud lang siya na 'friend' niya ako. Uh. Hindi ko alam kung masaya o malungkot 'yong idea na 'yon.
"Since elementary kayo mag-best friends, 'no?" Sinisigurado ko lang. "Ang tagal na rin. So that means she knows every single thing about you," Sabi ko, returning her the 'nakakalokong look'.
"Yeah," Sigurado niyang sinabi. Sabay napaisip bigla. "Well, yeah. Before."
"What do you mean 'before'? May nagbago ba or what?"
"A lot of things changed," Naging malungkot bigla ang boses niya. "Our friendship not included. Hindi naman 'yon nagbabago."
Tinignan ko lang siya.Pinagmamasdan ang kaninang masaya niyang mukha ngayon ay malungkot na naman. Parang noong una kaming nagkita pero walang luha. Hinihintay ko ang sunod na sasabihin niya.
"Or maybe ako lang talaga 'yong nagbago," Walang luha akong nakikita sa mata niya pero nararamdaman ko 'yong bigat sa puso niya. "Nagsimula na akong magtago ng mga nararamdaman ko, mga hinanaing ko, mga galit ko. Sinarili ko nalang lahat. I shut her out. Pero saglit lang dahil hindi ko rin naman kayang wala siya. Pero hanggang ngayon ay marami pa rin akong tinatago sa kanya. Naiisip ko kasing mas better kung itago ko nalang sa sarili ko lahat. Kung hindi nalang ako magsalita."