Chapter 14 - Ayaw.

9 3 5
                                    

July 9, 2016. Saturday.

Sinundo ni JP si Lauren sa school nila. They hugged each other dahil for a long time, ay nagkita rin sila. Hanggang text at video call lang sa Messenger ang communications nila, dahil hindi nga makalabas ng college si Lauren pag weekdays.

After that, JP and Lauren met at the Coffee Bean shop in Financial District para magusap. Lauren and JP both love coffee, so they met there after their class. In Promenada, ang format ng fixed na pasok nila is Monday to Friday, and students can have the option to go to school on Saturday. For irregular students, they have the rights to freely set their schedules to take advantage of time management.

"Lauren, kamusta naman ang dorm life mo? Ayos ka lang ba duon? Nakakapagsettle ka na ba?" JP asked.

"Ayos lang naman ako duon, hon. Kasama ko naman si pinsan Brielle pati si Trixie. Ayun, natututo nang magluto ng pagkain. Pero minsan, dumadaan ang mga schoolmates ko at classmates ko nung high school para dalhan ako ng pagkain. Marami na ring nakikilalang mga good girls and good guys sa school." Lauren replied with a smile.

"Nakakapaglagay ka pa ba ng ipon sa bank account natin?" JP asked.

"Oo naman. O, eto yung resibo ng ATM oh. Yung baon ko na 150 dollars (Php 22,500.00) tinabi ko lahat. "Teka, ikaw, naglalagay ka pa ba?"

"Oo naman. 50 dollars per week naman sa akin. Eto passbook." JP said, and he showed their joint passbook account.

"Wow! Nice naman! Medyo malaki na ipon natin ah. Yun pala, balak kong magtinda ng coffee sa campus. Gusto ko coffee-on-wheels. Nakasakay ako sa bike tapos may lalagyan ako ng kape. Para mas lalong lumaki ang ipon natin." Lauren smiled.

"Clever! Yun pala Lauren ah, iremind ko lang, ingat ka rin sa mga nakikilala mo. Ayokong mabully ka or may makaaway ka sa college. Oo, marami ka ngang kilala sa campus pero hindi lahat, kaibigan ang tingin sayo." JP said.

"Of course. Nalalaman ko naman kung mabuti o di mabuti ang tao. Huwag kang magalala. Ayos lang ako." Lauren said. But, Elle's trying to get in Lauren's nerves.

"Feeling ko hindi eh. Sana wala kang nakakaaway ah. Hindi na madali ang college. Kahit pa nandyan sina Taylor at mga schoolmates mo ng high school, pwede paring mangyari na mabully lalo na't freshmen kayo." JP said.

"I hope na ikaw rin, JP. Ayaw ko ring may makatalo kang tao kahit sino sa college mo. Freshman ka rin tulad ko. Salamat sa pagpapaalala." Lauren replied.

"Oo naman. ayaw kong may mapahamak sa atin parehas." JP said, and she hugged Lauren. Lauren hugged JP too.

Lauren went home for the first time after staying in their school apartment for a week at hinatid siya ni JP. Pagkauwi nya, niyakap niya agad sina William at Rita, at si ate Kate niya.

"Ma, pa, ate, namiss ko ang bahay na ito! Namiss ko rin kayo!" Lauren said.

"Nak, namiss ka rin namin!" Rita said. "Kamusta ka naman sa apartment? Nakakakain ka ba ng maayos? Safe ba kayo ni Brielle duon?"

"Opo ma. Safe kami. Ang totoo nyan, natuto tuloy akong magluto ng pagkain dahil kailangan kong matuto na maging independent ngayon palang ma." Lauren replied.

"Anak, pag kinapos kayo ng budget nina Ate Brielle mo, sabihan mo agad ako. Ayokong magigipit kayo." William said.

"Opo dad." Lauren answered.

"Lauren, kamusta naman ang mga schoolmates at classmates mo? Sina Mico? Kamusta sila? Sina Erica?" Kate asked.

"Mabuti po sila ate. Nagkikita kami after class. Minsan duon sa apartment ko natutulog si Christine. Si May, hindi ko gaanong nakikita at nakakausap. Parang busy yata siya." Lauren replied.

Ik Hou Van Je (Book 2) - A Julia Barretto FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon