CHAPTER 11

225 24 6
                                    

ARTE

It's been a year simula nang huli akong umapak sa dorm ng mga Alpha. Magkaiba pero malapit lang sa isa't isa ang dorm ng Alpha ng mga babae't lalaki at malapit naman sa isa't isa ang dorm ng Omega na babae't lalaki at sa kabilang lugar 'yon, sinadyang paghiwalayin para kapag may unexpectedly rut o heat.

Tahimik na dahil lights out na ang ten, pero kailan ba sila sumunod? Magpapatay lang sila ng ten, at ang iba'y paikot-ikot pa pagkatapos mai-check ang kanilang dorm.

"Arte, bakit narito ka? Anong oras na."

Nakita ko ang guard sa dorm.

"May i-check lang po ako."

"Pero umikot na kanina sila Denver," aniya.

"Hindi po ako magtatagal."

Nakita kong nag-aalanganin siya.

"Hindi ka ba ma-trigger sa kanila? Mapanganib na 'to sa 'yo kung malapit na ang heat mo."

"Malayo pa po," pagsisinungaling ko.

Alam kong kasalanan ang ginagawa ko, at maaaring maging malaking issue 'to pero hindi ko na mapigil ang sarili ko na maghintay pa ng bukas.

"Kung may kasama lang akong guard ngayon ay sasamahan kita."

"Huwag po kayong mag-alala, narito rin naman ang dorm nila Denver at Luigi, ipagpipilitan din nilang samahan ako." Pero sinabi ko sa kanila na hindi nila ako susundan.

Dahil first year si Alpha ay nasa 3rd to 4th floor siya, ang second year ang umookupa ng 1st and 2nd floor, lilipat din sila Alpha dito sa mababang bahagi kapag nag-2nd year na sila.

"Tumawag ka kaagad kapag may nangyari, bawat floor ay may alarm na p'wede mong gamitin," aniya.

Alam kong dahil pa rin 'to sa nangyari last year kaya nag-aalala sila sa 'kin. Hinatid ako ng guard sa elevator ng ground floor at hindi na 'ko huminto sa 1st floor at 2nd floor at tumuloy na 'ko sa 3rd floor, hindi namin napag-usapan ni Apollo kung saan siyang room o floor, wala pa kami sa gano'ng topic.

Nagsimula akong mag-round sa 3rd floor, paniguradong hinihintay ako nina Denver at Luigi sa 1st floor, hindi nila alam na nasa 3rd floor na 'ko. Kumatok ako sa bawat room para i-check sila. Nagulat din sila na naroon ako.

Iba talaga ang pakiramdam kapag dorm ng mga Alpha lalo kapag ibinubukas nila ang pintuan nila. Isa sa rason, bakit ipinagbabawal ang pagpunta ng mga Omega, maaaring mag-trigger ang natural scent nilang kalat sa kuwartong okupado nila kaming mga Omega. Kahit paano, sanay naman ako sa mga Alpha na sinusubok ako noon pa, kakayanin ko 'to kung mabilisan.

Nakailang pintuan na 'ko at nagugulat sila sa 'kin, iyong iba ay lumabas sa room na hindi kanila at bumalik na sa mga kuwarto nila.

May isa 'kong kinatok at matagal ang pagbubukas no'n.

Ang bumungad sa 'kin ay isa sa kaibigan ni Apollo.

"Arte, bakit nandito ka? Anong oras na, ah."

"Gin, tama ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Ikaw ba ang nag-round? Pero may nag-round na kanina."

Pansin kong nag-aalala siya at umiikot ang tingin niya.

Hindi ko na matatagalan dahil bukod sa trauma ko sa nakaraang taon ay mas matindi ang dala sa 'kin ng mga pheromones nila dahil malapit na 'ko sa heat, at kung magtatagal ay baka mag-heat na 'ko mismo sa mga oras na 'to.

"Saan ang kuwarto ni Apollo?"

Nakita kong nagulat siya, mukhang gusto niyang magtanong pero hindi na lang niya ginawa.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon