CHAPTER 5

230 20 0
                                    


APOLLO

Gusto ko siyang halikan, iyon siguro iyong dahilan ko bakit nagpapatuloy ako sa loob ng dalawang linggo sa pagsunod-sunod kay Arte. Lunch break lang naman kami nagkakasama at ang tagpuan namin ay sa silid kung saan siya madalas mag-painting.

Hindi ko pa nakakausap si August o kahit sino sa second year.

"Sinagot ka na ba niya?" si Gin na araw-araw iyon ang tanong.

Nag-aalmusal kami sa isang restaurant sa labas ng eskuwelahan. Weekends kaya puwede kaming lumabas, pero kailangan makabalik kami bago mag 10 p.m.

"Hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit mo siya niligawan. No'ng araw na iyon nagtalo pa kayo nitong si Devin," Si Taco na iyon din ang madalas sabihin.

Hindi ko sinabi sa kanila ang pinagsimulan. Ayoko naman na magbago ang tingin nila sa akin. Isa pa, siguradong patitigilin nila ako sa ginagawa ko. At baka magalit na sila nang totoo sa akin. Ayos lang na ilabas ko iyong inis ko sa mga Omega sa kanila. Pero alam ko na hindi magiging maayos sa kanila kung malalaman nila ang dahilan bakit ko niligawan si Arte. Lalo na ang dahilan kong ipagpatuloy.

Gusto kong halikan si Arte. Gusto kong maramdaman ang malambot niyang katawan. At hindi ako mapakali nang hindi ko siya naaamoy sa isang buong araw. Sinubukan ko nang hindi siya kitain nang ilang beses pero napapatid lang ang pasensiya ko at naiinis ako sa ilang minutong nasasayang ko.

Hindi ko siya gustong ikama, hindi tama iyon dahil wala naman akong motibo na makipagrelasyon talaga sa kanya. Mukhang ganoon din naman siya sa akin. Plano nga lang niyang patinuin ako o sinasakyan niya lang din ako. Alam ko na hindi man sabihin ni Arte, ako naman siguro ang Alpha na kinaiinisan niya ang karakas ng pagmumukha.

"Hindi ako sasagutin no'n, imposible."

Napansin ko na madalas tahimik si Devin, iniiwasang makipagtalo sa 'kin o alam niyang may iba akong motibo kay Arte.

"Eh, bakit ka pa nanliligaw kung wala ka ka naman palang pag-asa?" takang tanong ni Taco. "Baka naman trip mo lang si Arte?"

Hindi ako nakasagot.

Hindi na namin pinag-uusapan ni Arte ang tungkol sa panliligaw. Nagsasama lang talaga kami madalas, ginagawa niya lang biro iyon minsan kapag napipikon ako sa kanya.

Hindi nagsasalita si Devin, sa kanilang tatlo talaga naiilang akong magsinungaling. Pakiramdam ko sa isipan niya marami siyang sinasabi, lalo na kapag bigla siyang mapapailing at ngingiti matapos kong magsalita.

"Pero ang ganda talaga ni Arte 'no? Suwerte mo talaga na pinayagan ka niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na malapit ka sa kanya. Tapos natititigan mo ang bawat kilos niya nang mas malapit. Shit, iyong labi niya talaga parang—"

Natigil si Taco dahil hindi ko maiwasang titigan siya nang masama.

"Biro lang! Ito naman! Oo na, naniniwala na 'ko na gusto mo siya, mga ganyang tingin ng Alpha iyong papatay ng kapwa!"

"Kayo bang tatlo wala pa rin?" pag-iiba ko.

"Marami naman magandang hitsura pero wala pa talaga akong masasabi na gusto kong makarelasyon." Nakasimangot si Gin. "Isa pa, iyong mga type ko parang 'di naman ako pasado sa taste nila."

"Wala pa rin ako, itong si Devin ang kasabayan mo nang nagkaroon," ani Taco.

Bumaling kami kay Devin na natigil sa pagkain.

"Bakit hindi ko alam?" sabay na tanong namin ni Gin, nagulat kami pareho.

"Wala kaming relasyon." Masama ang tingin na ibinigay ni Devin kay Taco na kaagad nagtaas ng mga kamay.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon