CHAPTER 16

83 7 2
                                    


CHAPTER 16

ARTE

THEMIS NIGHT

Iniisip kong hindi kami magkapareha ni Apollo at magkikita na lang kami sa event center ng eskuwelahan. Pero tinanong niya 'ko kung ano ang kulay ng susuotin ko pero dahil sponsor 'yon ay pink na blazer at pants iyon, at tie na navy blue pero bago ang event ay may photoshoot ako saglit sa mismong building ng mga Omega dahil may garden kami sa ibaba na maganda raw maging background. Ang nag-sponsor sa 'min ay taon-taon nag-sponsor sa mga Student Council kaya lahat kami ay may magaganap na shoot at iba't ibang kulay at design lang. Isa 'yong kilalang company ng mga formal attire, kaya nakatungtong ang ibang Alpha sa 'ming dorm sa labas dahil may student council na Alpha ang kailangan ng picture. Ako ang huling nakuhanan ng picture, mas marami silang ginawang shot sa 'kin at gustong-gusto raw nila ang hitsura ko.

Maraming nagyaya sa 'kin maging kapareha, may bulaklak, sulat, at iba'y personal pa pero lahat ay tinanggihan ko at sinabing may kapareha ako. Ayokong lumakad na may ibang kasama, mas okay na 'ko mag-isa at hindi ko naman dinidibdib 'yon dahil excited pa rin akong makita si Apollo.

"President, kanina pa may naghihintay sa 'yo, baka lumiyab na 'yon," bulong sa 'kin ni Luigi, isa sa student council.

"Sa 'kin?"

Tumango siya at pabulong ulit. "Nakakailang ikot na 'yon at tingin sa relo niya."

Hindi ko alam bakit pakiramdam ko kilalang-kilala ko 'yon, dahil siguro sinabi niyang nagliliyab? Lumabas ako ng gate ng dorm, iilan na lang ang sasakyan kompara kanina, nakaalis na ang karamihan sa mga Omega na nasa dorm at nasundo na ng mga kapareha nila.

Para pa rin palaging bago, mabilis na tumibok ang puso ko no'ng makita ko si Apollo na nakasandal sa isang sasakyan, navy blue ang suot at may pink tie, naka-volume quiff at sleek sides din ang buhok niya, nakapaguwapo niya, at alam kong hindi lang sa paningin ko.

Nag-angat siya ng tingin at ang nakakunot niyang noo at nagkakasalubong na kilay ay kaagad nawala at nauwi ang labi niya sa isang ngiti.

"Hindi ako nagmadali dahil akala ko hindi mo naman ako sasabayan," sabi ko nang lumalapit siya sa 'kin.

Nang makalapit siya'y nanliit na naman ako kaya kailangan kong tumingala.

"P'wede bang itago na lang kita? Ayokong pagtinginan ka nila," pabulong niyang sabi.

Nag-init ang pisngi ko.

"Maraming Alpha ang titingin sa 'yo, baka hindi ko mapigilang dukutin ang mga mata nila."

"Kapag tapos na ang mga greetings, p'wede naman saglit lang akong makipag-usap sa iba, at p'wede mo na 'kong dalhin sa dilim," kinindatan ko siya pagkatapos kong biruin.

Hinalikan niya ang noo ko. "Ang hilig mong pataasin ang tensiyon sa katawan ko, Arte."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon at nang magkatitigan kami ay nginitian niya ako ng nakalulusaw na ngiti.

"Kung hindi ka lang President at kailangan makipag-usap sa kanila, hindi na tayo a-attend at—" pinigil niya 'yon at ipinilig ang kanyang ulo.

Hindi naman ako manhid para 'di maramdaman ang gusto niyang iparamdam sa 'kin. At nakakainis na nahihiya ako dahil gusto ko rin ang ideya na kami lang dalawa ang magkasama.

Sumakay kami sa sasakyan, sa hitsura't modelo ng itim na sasakyan alam kong hindi 'to kayang bilhin kahit ng magulang ko. Pero iniwasan kong magtanong, pagdating sa mga materyal na bagay, ayokong maging tunog interesado ako, dahil simple sa maraming pagkakataon si Apollo. Kahit siguro pangkaraniwang Alpha lang si Apollo, siya pa rin ang pipiliin ko, dahil sa kanya lang ako nagkakaganito.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon