CHAPTER 18

68 6 2
                                    


CHAPTER 18

ARTE

Isang buwan na simula no'ng mangyari ang party, masaya dahil kasama ko si Apollo. Nalulungkot ako tuwing pinupunit ko ang piraso ng kalendaryo dahil panibagong buwan na naman at lumalapit na kami sa araw na maghihiwalay kaming dalawa.

Binuklat ko ang isang notebook ko at naroon ang mga nai-print kong picture namin ni Apollo, iyong iba ay solo lang, plano kong gumawa ng scrapbook naming dalawa. Wala siya ngayon dahil umuwi siya no'ng biyernes sa kanila at uuwi ng sunday—bukas 'yon.

Nagdidikit at nagdidisenyo ako ng scrapbook habang nakikinig ng playlist sa 'king cellphone at busy si Apollo. Nag-send siya sa 'kin kanina na may mga kasama siyang baka at dalawang lalaki, farm daw nila 'yon.

May kumatok kaya pinagbuksan ko muna at nagdire-diretso si Simone papasok.

"Hay, mas malamig talaga ang aircon mo!"

"Hindi mo pa rin ipinapaayos?" takang tanong ko sa kanya.

Naupo ako sa silya ng study table at tinuloy ang ginagawa ko. Siya naman ay naupo sa sofa malapit sa 'kin.

"Bakit ka busy?" tanong niya. "Ah, siya nga pala, uuwi ka ba ngayong semestral break? Kung mag-stay ka lang sa dorm like last year sumama ka na lang sa 'min ng ibang mga friends kong Omega, ilang buwan na lang tayong magkakasama baka ilang taon bago uli tayo magkita-kita lalo na sa abroad ka mag-aaral."

Hindi ako nakakibo, may semestral break nga pala na paparating at dalawang linggo 'yon.

"Hindi ko alam, last year ay nasa ibang bansa ang magulang ko kaya hindi na 'ko umuwi sa 'min, aalamin ko pa kung kailangan ko umuwi."

"Ay, ano ba 'yan! Kasama pa naman iyong ibang mga Alpha!"

"Sabi mo ay mga Omega lang?"

"Siyempre baka 'di ka sumama, pero p'wede mo naman isama 'yong panabong na manok para may kasama ka," kinindatan pa niya 'ko.

"P'wedeng kasama si Apollo?" Nakangiting tanong ko.

"Ay, tuwang-tuwa? Para ka talagang patay na patay ro'n 'no!"

Nginitian ko lang siya at dinampot ang cellphone ko para mag-chat kay Apollo ng 'Anong plano mo sa sembreak?'.

"Kaninong lugar ba 'yong pupuntahan natin?" tanong ko.

"Kay Maybelline, iyong anak ng Directress? Pero sa resort ng kamag-anak nila, gusto ka niya i-invite dahil hindi raw sila nagka-chance na makipag-friends sa 'yo, may ibang Alpha dahil may mga kapareha ang iba sa kanila. Don't worry, hindi kita pababayaan do'n, kahit Omega ko," ipinakita niya ang muscle, "Lalaki pa rin ako."

Nagkatawanan kaming dalawa.

Nag-reply na si Alpha.

"Wala pa naman, ikaw? Gusto mo ba dito sa farm?"

Bakit mas gusto ko iyong sa farm?

"Tinatanong niya 'ko kung gusto ko sa farm nila," nagpipigil akong ngumiti nang husto.

"Ano? Kayo lang dalawa? Aba, 'wag! Ga-graduate ka baka makabuo kayo kapag dalawa lang kayo!"

"Hindi naman siguro—"

"Ay, may mga Alpha na para 'di na makawala ang Omega ay dinadali na!"

Hindi ko siya pinansin, sa totoo lang, lahat ng oras na p'wede kong makasama si Apollo ay kukunin ko ang bawat tiyansa dahil kakaunti na lang ang oras naming dalawa.

"Hmm, hindi ba 'ko makakaistorbo?" reply ko kay Apollo.

"Sasama ako, sabihin mo sa kanya ay sasama ako!" ani Simone.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon