Chapter 14

75 6 0
                                    


ARTE

Ang gabing magkatabi kami ni Apollo ay pinakamasaya, hindi ko alam kung kailan ako huling naging masaya. Mas tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya, at habang mas nagiging malaya ako sa damdamin ko para sa kanya, bigla naman ay nakikita ko ang imahe ng mommy ko, nasisiguro kong mahihirapan siyang tanggapin kapag nalaman niyang may mahal ako sa loob ng Themis IV.

Ang Themis I at Themis II lamang ang paaralan na masasabing pinakamayayaman ang mga estudyante. Pero hindi gusto ni mommy na mag-settle ako sa pamilya na nasa Themis II, gusto niya ay makakuha ako ng nasa Themis I, dahil doon sigurado siyang mabubuhay ako at sila ng masagana.

Ang Themis III at Themis IV naman ay halo na ang mga estudyante. Pero kung tutuusin, ito lamang ang level ng pamumuhay na masasabi kong kapantay ko. Ang mga estudyante sa Themis IV ay masasabi rin namang higit sa may kaya ang pamumuhay, katulad ko, kaya kong mag-aral sa ibang bansa sa tulong ng scholar at kaya rin ng magulang kong suportahan ako. Pero ang hinahanap para sa 'kin ng magulang ko ay iyong kayang bilhin lahat ng mga mamahaling kagamitan, makapunta sa iba't ibang bansa, at magkaroon ng maraming lupang pag-aari.

Ang sabi sa 'kin ng tita ko na kapatid ng daddy ko na palaging nag-aalala sa 'kin at hindi naman malaki ang agwat ng edad ay ang pagiging people pleaser ko raw ay dahil mayroon akong narcissistic parents. People pleaser? Ganoon nga siguro ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Apollo ang mukha ko kaya napangiti ako. Iniiwasan niyang halikan ako pero lumalapit ako sa kanya at niyayakap ko siya. Alam kong bawal 'to, pero hindi ko mapigilan. Isa 'to sa rason bakit maraming Omega ang nag-aasawa ng maaga, sa edad na thirteen, nakakaramdam na kami ng heat, at habang tumatanda kami ay tumataas iyon at maaga kaming naghahangad ng kapareha na makasama sa iisang kama at ang katawan naming walang kontrol kapag inabutan ng heat na walang suppressant o may Alpha na ipinararamdam ang mainit na pagkakagusto ay bumibigay kami. Iyong nasa alapaap ang pakiramdam, kulang sa pagtanggi dahil tila nagiging ibang tao na 'di mapigil ang katawan na mag-init.

"Anong iniisip mo?" tanong niya.

Hindi ko talaga inaasahang malambing siya at gentle na lalaki.

"Ikaw, anong gagawin mo sa Themis kapag wala na 'ko."

Tinitigan niya 'ko nang matiim. "Sobrang magiging malayo ka ba?"

Tumango ako sa kanya. "Plano ng magulang ko na sa abroad ako mag-aral."

Hindi siya nagsalita, kinuha niya lang ang kamay ko at hinalikan 'yon.

"Malayo pa naman, problemahin ko na lang kapag malapit na."

Nangiti ako sa sinabi niya. Bakit nga ba nasa problema na kaagad ang isipan ko?

"Arte, I'm sorry, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa ibang mga Omega, pero nabawasan naman. Hindi na 'ko naiinis na makakita ng Omega, maliban kung makikita ko sila o may maririnig ako tungkol sa kanila—"

"Kanila? Hindi ba 'ko Omega?" natatawang tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Iba ka, siguro ikaw lang 'yong Omega na para sa 'kin isinilang."

Natawa siya, naisip niya sigurong corny, pero natuwa ako, tumalon ang puso ko.

"Kapag pala nagmamahal nagiging corny," sabi niya.

"Hindi ko alam, siguro kapag nagmamahal kahit corny sobrang sweet pakinggan para sa 'kin," sagot ko.

"Sh*t, hindi ko talaga mapigilan."

Hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako sa labi.

Paano ko ipapanalo 'to? Ayokong mag-isip ng problema pero hindi ko ito naiisip noon dahil akala ko imposible. Pero bago ko isipin ang tungkol sa magulang ko, kailangan ko munang isipin kung hanggang saan ba 'ko mamahalin ni Apollo?

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon