Chapter 13

84 8 0
                                    

Hello, it will be daily update hanggang ending po, at 12 a.m. kaya 'di na kayo mabibitin, hehe. Thank you for reading, I hope to see you on comment section, and please leave votes or star! 

Misa


CHAPTER 13

APOLLO

Naihatid ko naman si Arte ng three, kinakabahan na 'ko ngayon hindi dahil sa mangyayari sa 'kin kung hind isa kanya oras na may magsabi na natulog siya sa dorm ng mga Alpha.

Naalala ko pa rin ang gabi na magkayakap lang kaming dalawa. Parusa sa 'kin ang mga oras na lumipas dahil gustong-gusto ko siyang hawakan at halikan pero nagpigil ako, lalo at alam kong malapit na siyang mag-heat, kaunting galaw ko lang ay maaaring ma-trigger ko 'yon at makagawa ako ng mali.

Kinaumagahan, hindi siya pumasok sa klase at nag-message siya sa 'kin na nasa heat na siya. Marahil daw napabilis dahil sa 'kin.

"Bakit hindi ko nakikita si Arte?" tanong sa 'kin ni Gin nang tumabi ako sa kanila. "Kilala mo lang naman kami kapag wala si Arte."

"Tumigil ka nga, panigurado kapag may Omega ka na ring kinababaliwan ay baka pati pangalan namin makalimutan mo na," ani Taco.

Ngumisi naman si Gin.

"Tigilan mo ang pang-iinis mo, hindi maganda mood ko ngayon," ani Devin, madalas ay siya iyong nakakainis dahil sa pagdidiinan niya ang mali namin pero ngayon siya iyong inis na inis kay Gin.

"Ano bang 'di ko alam?" tanong ko.

"Trip ni Gin si Devin," sagot ni Taco na ngingiti-ngiti rin.

Namumula na si Devin, hindi ko alam kung nahihiya siya o galit na galit.

"Nakita mo 'yong mga bulaklak? Sabi nila galing daw sa Themis I 'yon! Isipin mo 'yon, tatlong araw lang sila nagkasama ay hindi na siya nakalimutan kaagad! Talaga naman kasing lalaban si President sa mga taga-Themis I na pinakamagandang Omega!" may dumaan na dalawang babaeng Omega.

Dumako kaagad ang tatlong ungas sa 'kin.

"Hindi muna ako magagalit," idinaan ko 'yon sa kakalmahan. "Pero si Arte ba 'yong tinutukoy no'ng dumaan na babaeng Omega?"

Sabay-sabay silang tumango. "Tingin ko," pati sagot ay iisa.

"At ang sinasabi nila may taga-Themis I ang nagpadala sa kanya ng bulaklak?" nagsisimula ng mag-init ang ulo ko pero hindi ko pa rin inaalis ang ngiti, baka mali lang ako ng pandinig. Ipinangako ko na hindi na 'ko basta-basta magagalit.

Tumango uli sila ng dahan-dahan kaya napahampas ako sa mesa.

"Oh, easy," ani Taco.

"Sa akin si Arte, 'di ba?" tanong ko sa kanila.

Nagtinginan sila at parang napilitang sumagot ng 'Oo'.

"Bakit niya bibigyan ng bulaklak si Arte, hindi naman kanya si Arte?" sinundan ko 'yon ng tawa.

"Naunahan ka na ng iba, hindi mo siya binigyan ng bulaklak kahit minsan," ani Devin.

Sabay na napatapik sa ulo si Gin at Taco dahil sa sinabi ni Devin.

"Iba na ang gumawa dahil hindi mo naman daw ginagawa," dugtong pa ni Devin.

"Aray!" ani Devin na tila sinipa ni Taco sa ilalim,

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang secretary ni daddy.

"Mr. Lee, kailangan ko ng pinakamahal na bulaklak—"

"Bakit ka bibili dapat paghirapan mo, ano na lang ang sasabihin ni Arte? Dapat maiba ka, dapat may effort, magtanim ka!" sabi ni Taco.

Natawa si Gin pero tumango. "Nagluto na tayo, magtanim naman tayo."

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon