CHAPTER 6

212 23 1
                                    

BERNARD

"Iyan ba ang pinag-aaksayahan mo ng oras?"

Hindi kumibo si Arte, nasa library kami at tanaw namin sa ibaba si Apollo at ang babaeng katabi nito na Alpha rin at masayang nag-uusap.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Arte.

Umalis siya sa bintana at naupo na sa long table kung saan kami magre-review.

"Sinasayang mo ang oras mo sa kanya, Arte." Nagbukas ako ng libro at ganoon din siya.

"Alam kong hindi mo siya gusto, pinaglalaruan mo lang siya, pero nasasayang ang oras at reputasyon mo sa eskuwelahan na 'to."

"Akala ko ba ay nagsasayang ako ng oras kanina, bakit gusto mo na mas magsayang ako ng oras sa ibang usapan?" ani Arte na nag-angat ng tingin sa 'kin at matalim ang tingin. "Kung ano man ang gusto kong gawin sa oras ko ay desisyon ko na ' yon. I know you are smart enough to understand that."

"Arte, gusto ko lang na humiwalay ka sa gano'ng klase ng tao," hindi ko mapigilan maglakip ng iritasyon sa 'king boses. "Pinag-uusapan ka ng mga estudyante, professor, at baka nga pinagtatawanan ka rin nila dahil nagpabiktima ka sa isang Alpha! Nag-aalala ako sa 'yo, sinasabi ko sa 'yo 'to dahil alam ko ang nararamdaman ng isang Alpha kapag may Omega sa paligid namin! Bakit siya pa? Kaibigan niya sila August, galit siya sa mga Omega, paano kung may plano siyang masama sa 'yo?"

"Your concern is appreciated but I've got this under control, Bernard."

Isinara niya ang libro niya at kapag ganito ang mood niya ay aalisan niya na 'ko. Sa loob ng higit isang taon na magkasama, ako lang ang naging malapit sa kanya na Alpha. Iniiwasan ni Arte ang mga Alpha, nagsimula 'yon dahil kay August.

"Arte, 'wag mong hayaang pag-usapan ka pa ng iba, kung ano-ano na ang nasasabi sa 'yo, nag-iiba na ang tingin nila, ikaw ang tinitingnan ng lahat, gusto mo ba mawalan pa sila ng respeto sa 'yo dahil lang sa pumili ka ng katulad ni Apollo?"

"The perceptions of others do not significantly influence my decision-making process, Bernard."

Tumayo siya at plano na 'kong iwanan.

"I'm sorry, Arte," hinawakan ko siya sa kamay para bumalik siya sa pagkakaupo.

Hindi naman niya 'ko pinahirapan at bumalik siya sa pagkakaupo.

Naging tahimik kaming dalawa. Gusto ko si Arte, pero malinaw na kaibigan ako para sa kanya. Maraming mas higit na Alpha, hindi ko lang matanggap na mapunta siya sa makakasama sa kanya. Alam ko na baka nagpapalipas-oras lang si Arte, siguro pareho lang din kay Apollo, pero sa kanilang dalawa, si Arte ang talo, Omega siya, paano kung may gawin itong masama sa kanya?

Kahit kailan hindi ako nanalo kay Arte, palagi akong nauubusan ng sasabihin.

Nasisiguro kong pinagpupustahan lang siya nila August at ayoko ng maulit ang nangyari sa kanya noon dahil kay August.

Alam kong maraming problema si Arte, kaya gusto niya rin sigurong may mapaglibangan, pero hindi ang katulad ni Apollo ang dapat niyang pagpalipasan ng oras,

Lihim akong nagngingitngit dahil alam kong si Apollo ang rason ng pagvibrate ng cellphone ni Arte, iilan lang ang may alam ng number niya, at hindi ugali ni Arte na tumigil sa ginagawa para lang mag-reply.

Nang makita kong nangingiti siya, natakot na 'ko sa p'wede niyang kahantungan.

Nagpapalipas oras ka lang ba talaga o gusto mo talaga siya?

Nakita mo naman iyong kanina sa ibaba 'di ba? May kausap siyang iba, isang babaeng Alpha!

Paano mo nagagawang sikmurain ang Alpha na nagsabing hindi niya gusto ang lalaking Omega at lahat ng uri ng Omega?

Marami akong gustong sabihin, pero lahat 'yon hindi ko nasabi dahil isa sa iniiwasan ko ngayon ang masira rin ang pagsasama namin, dahil kapag nangyari 'yon mas mapapadali sa mga anak na katulad ni Apollo at August na masira si Arte, kailangan ko siyang protektahan.

Malaki ang pressure ng magulang ni Arte dahil gifted si Arte sa maraming bagay. Isa 'to sa mga Omega na may maraming manliligaw, at dahil hindi ito natatalo saan man, malaki ang market value ni Arte, kaya nga sa ibang bansa 'to magkokolehiyo at planong ipakasal kaagad pagka-graduate. Iniisip kong dahil sa pressure dahil last year na sa Themis kaya humahanap si Arte ng karamay.

Sinukuan ko na siya dahil sinabi nga niya na magsasayang lang kami ng panahon sa isa't isa, ipakakasal siya ng magulang sa pipiliin ng mga ito, at sa ngayon may tatlo ng pamilya ang nag-aalok na mapangasawa si Arte ng anak ng mga ito, at walang magagawa si Arte dahil susunod siya sa magulang niya kahit na anong mangyari, wala siyang lakas para hindi sumunod sa mga ito.

Alam kong magagandang pamilya ang nag-aalok sa kanya ng kasal, kaya hindi ko hahayaan na masira siya ng katulad lang ni Apollo, at ayokong bumagsak ang expectation ng magulang niya rin dahil alam kong mula pagkabata ay pinaghirapan niya iyon hanggang sa maging paboritong anak.

Napansin kong may nginingitian si Arte sa likuran ko. Nang lumingon ako ay nakaupo na si Apollo sa bahagi ng likuran ko at nakangiti rin ito.

"Sa tingin ko ay okay na 'ko, mauuna na 'ko sa 'yo," sabi ni Arte sa 'kin.

Wala akong nagawa at hindi ko na siya napigilan. Nagligpit na lang din ako at sumunod sa kanila palabas.

"Binili kita ng monay, sabi mo gusto mo nito, buti bagong luto," sabi ni Apollo.

"Pinapagod mo ang sarili mo, dapat nagpapahinga ka na," ani Arte at sabay na silang lumakad.

"Bye," ani Arte na lumingon pa sa 'kin at ngumiti.

"Tatlong araw kitang 'di makikita, pero iniisip ko paano kita pupuntahan."

"Baka hindi naman kami palabasin at hindi ka papasukin, long-distance-love-affair na lang muna tayo," natatawang sabi ni Arte.

"Marami bang Alpha ro'n?"

Nakuyom ko ang palad ko nang lumugar ang kamay ni Apollo sa beywang ni Arte, alam kong alam niyang nakikita ko 'yon at nang lumingon si Apollo at nginitian ako ay gusto kong putulin ang kamay niyang humahawak kay Arte.

"Marami naman kahit saang Themis," sagot ni Arte na hinayaan lang ang braso ni Apollo.

Kung lalala pa ang sitwasyon, kahit magalit sa 'kin si Arte ipapaalam ko sa magulang niya ang ginagawa niya. Ayoko siyang mapahamak, bahala na kung alisin nila si Arte at hindi na kami magkita pa, mas matitiis ko 'yon kaysa makita ko siyang pinaiikot ng iba at wala akong magawa dahil takot ako na magalit siya sa 'kin.

"Pero sure ako walang panabong na manok ro'n, kaya nag-iisa ka pa rin!" natatawang sabi ni Arte.

"Matutuwa ba 'ko sa sinabi mo o maiinis ako?" tanong ni Apollo.

Nagkatawanan silang dalawa.

Hanggang sa hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila at bumaba na rin sila sa hagdanan.

"Nasaan si Arte?"

Nilingon ko si Mr. Guevarra na galing sa faculty na katapat ng library.

"Tapos na kami po kaming mag-review," sagot ko.

Tumango-tango siya. "I-message mo siya na may dumating na scholarship exam invitation sa Themis I."

Sa Themis I naroon ang pinakamaimpluwensiya at mayamang mga Alpha, tatlong beses ang laki sa pangkaraniwang Themis school ang Themis I. Ito ang eskuwelahan na gusto ng magulang ni Arte na mapasukan nito noon, pero dahil nagkasakit si Arte bago ang exam sa Themis I ay nawalan ito ng opportunity at napunta sa Themis IV na nag-iisang school na may vacant for scholarship pa dahil may isang Omega na scholar ang hindi nagtuloy dahil sa nagbuntis ito.  

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon