CHAPTER 1

669 34 1
                                    

APOLLO

Nang huminto na ang sasakyan ay kusa na 'kong lumabas sa backseat. Lumabas pa rin sa driver's seat si daddy.

"Apollo, ito na ang huling eskuwelahan at wala na 'kong maririnig na mali kang gagawin sa mga Omega," mariin niyang sabi.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Maging mabait ka sa mga Omega, Apollo."

"Ilang beses ko bang dapat marinig 'yan sa araw na 'to, dad?"

Nag-init na naman ang kanyang ulo kaya sunod-sunod na naman ang sinabi niya. Hindi ko na pinansin pa dahil paulit-ulit lang naman 'yon at ang pinupunto lang niya palagi ay maging mabait ako sa mga Omega.

THEMIS IV—ang pangalan ng eskuwelahan na 'to. Ang mga Beta ay dumidiretso sa college pagkatapos ng senior high dahil hindi naman sila apektado ng heat ng Omega at ligtas din sila sa rut ng mga Alpha kaya normal ang daloy ng edukasyon para sa kanila. Pero ang katulad kong Alpha at ang mga Omega ay pumapasok pa ng dalawang taon sa katulad ng Themis IV para hubugin ang pakikisama sa isa't isa at maging maiwasan ang mga surprise pregnancy at mas mapaunlad pa ang paghubog at pagkilala sa isa't isa.

Ang eskuwelahan na 'to ay sinasabing para sa Alpha at Omega pero ang totoo ay para lamang 'to sa pagsusulong ng karapatan ng mga Omega na malaki ang abusong pinagdaraanan. At para sa 'kin ay sa kabila ng mahinang pangangatawan nila ay nagtatago ang iba't ibang uri ng maskarang isinusuot nila para maging kaawa-awa at paboran sa lahat ng pagkakataon.

Pumasok na 'ko sa loob ng malaking gate at nai-scan na ng guard ang I.D. ko bago niya sinabi kung saan ako dapat pumunta para sa orientation.

Sa loob ng eskuwelahan nakita ko na kaagad ang Diyosang si Themis na isang malaking rebulto. Thirty years ago, nang maging eskuwelahan ang Themis. Nagsimula ang eskuwelahan dahil sa kabilaang mga pang-aabuso sa Omega. Sa kasalukuyan ay may sampung eskuwelahan na ang Themis sa bansa at kahit thirty years na ang Themis ay kinilala lamang ng gobyerno ang kahalagahan ng eskuwelahan para sa Alpha at Omega pagkalipas ng labinglimang taon at naging mandatory na noon ay voluntary lamang ang pagpapasok ng magulang sa ganitong klase ng paaralan.

Malaki ang eskuwelahan, naiisip ko pa lang na maraming Omega ay parang umiikot na sa init ang ulo ko.

Nabaling ang atensiyon ko sa isang babaeng Omega na may kulay light blue necktie at palda. Dark blue ang kulay ng mga Alpha para mabilis makilala ang third gender ng isa't isa.

"Wow! Parang panaginip na makakita ng maraming Omega!"

Iritang binalingan ko ang isang Alpha na hindi ko naman kakilala pero humawak sa balikat ko para lang sabihin 'yon. Inalis ko ang kamay niya sa 'king balikat.

"Kitang-kita kita dahil kakaiba ang buhok mo, natural 'yan?" tanong niya sa 'kin.

"Oo," maiksing sagot ko.

Bihira lang ang may pulang-buhok, marami nang nagsabi sa 'kin na kapansin-pansin at madali akong makilala. Minana ko 'to sa walang kuwentang ina ko na isang Omega.

"Gin," inilahad niya ang kamay.

Tinanggap ko 'yon, "Apollo," sabi ko.

Bigla niya 'kong inakbayan at tuwang-tuwa.

"Sobrang excited talaga 'ko, 'tol! Walang babae o kahit lalaking Omega sa school na pinanggalingan ko. Dalawang buwan na nga 'kong 'di matulog dahil finally makikita ko na sila araw-araw!"

Hinayaan ko na lang siyang nakaakbay sa 'kin dahil mukhang sa gym naman kami patungo para sa orientation.

"Kahit Alpha napapatingin sa 'yo, mukhang iba ang hatak ng buhok mo, Apollo!" natatawang puna ni Gin. Napansin at naramdaman ko nga na pinagtitinginan kami.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon