CHAPTER 20

73 5 1
                                    


CHAPTER 20

ARTE

Mahirap ang signal at ang mayroon lang halos na signal ay ang mismong bahay, sa ibang lugar ay wala. Hindi ko naman kailangan ang signal dahil kasama ko na si Apollo.

Ilang araw ang lumipas, lahat 'yon ay masaya. Marami akong nakilala, at marami akong nalaman sa kabataan ni Apollo. Hindi makuwento si Apollo sa buhay niya, hindi rin siya pala-tanong tungkol sa mga gano'ng bagay. Si Apollo iyong tao na ang isip ay ngayon at future, gano'n ang takbo ng usapan namin at hindi ko naman masasabing hindi ko 'yon gusto, gustong-gusto ko nga dahil sa mga sinasabi niya iniisip niyang magkasama pa rin kami sa mga panahon sa future.

Lalo ko napatunayan na mabait siya, mayroon lang talaga siyang trauma sa Omega na galing sa mommy niya, iniwanan siya at humingi 'to ng pera sa ama kapalit niya. Madali lang siyang pasayahin. Totoo na kompara sa iba, wala siyang ibinigay na masasabi kong mamahaling gamit sa 'kin pero iyon ang unique sa kanya, dahil hindi niya 'ko kinuha sa mga gano'ng bagay, kinuha niya 'ko sa pagbibigay ng oras, pag-aalaga, at pagmamahal sa 'kin. Nararamdaman ko rin ang respeto niya sa 'kin, hindi niya 'ko pinipilit, at tuwing hahalikan niya 'ko sa labi ay humihinto siya para alamin kung papayag ako, ako lang naman itong mahilig magnakaw ng halik sa kanya!

Inilabas ko ang binili kong relo para kay Apollo, mahal ang bili ko rito, lahat 'to ay naipon ko sa mga naibabayad sa 'kin at ilang contest prize na hindi naman hiningi ng magulang ko, since junior high ay nag-iipon ako. Gusto kong bigyan siya ng bagay na tatagal at mabilis niyang makikita para maalala ako.

"Magustuhan niya kaya 'to?"

Pang sixth day na namin dito, ang aga ko gumising dahil gusto kong i-check kung lahat ng gift ko sa kanya ay maayos na. Bukod sa relo ay narito ang scrapbook naming dalawa, tig-isa kami, nasa dorm ang akin. Mayroon din akong sulat sa isang jar, para kapag nalayo na kami sa isa't isa. At itong gold keychain na pinasadya ko na magkadikit na letrang AA, gold para hindi kumupas.

Ngayong araw ang ikalimang-buwan simula no'ng inalok niya 'kong ligawan.

Limang buwan na parang napakahabang panahon ko na siyang kilala.

Nag-shower na 'ko at nagbihis, dinala ko ang mga ibibigay ko sa kanya sa kuwarto niya. Inikot ko ang seradura ng pintuan at nangiti ako no'ng bumukas 'yon. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama at nakatagilid sa bahagi ng bintana.

Marahan akong lumakad at naupo sa gilid ng kama sa bahagi ng likuran niya.

Madali talaga siyang magising dahil lumingon siya habang nagmumulat ng mata, nagdidikit pa ang kanyang kilay.

Nakangiti ako no'ng tingnan niya.

Napangiti siya. "Bakit napakaaga mo?" bumangon siya at nag-wait sign ang kamay. "Mag-quick shower ako, nakakahiya sa 'yo."

Hindi ko na siya napigil dahil nakapasok na siya kaagad sa bathroom.

Inilagay ko sa gitna ng kama ang regalo ko sa kanya. Kumakabog ang dibdib ko, sana ay tanggapin niya.

Narinig ko ang pagbuhos ng tubig, napalunok ako, bakit para naman akong nag-init sa narinig ko? Nakakainis na mas nagnanasa pa yata ako sa kanya! Ako palagi ang may gustong nagdidikit kami.

"Ano kayang pakiramdam kung sabay kaming maliligo?"

Nahampas ko ang magkabilang pisngi ko ng palad ko sa kahihiyan. Nakakahiya! Ano ba 'yang mga pumapasok sa isipan ko!

Hindi ako mapakali, sa buong kuwarto na 'to ay naaamoy ko si Apollo. Kung magiging mag-asawa kami—no, maaga pa para isipin 'yon, lalo lang akong hindi makali!

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon