CHAPTER 9

93 8 0
                                    


APOLLO

"Ayoko na sa Themis I, okay na 'ko dito."

Nasa labas ako ng cafeteria, sa lugar ng umbrella at nagbreakfast nang tumawag si dad.

"Basta, dad, okay na 'ko rito, next year mo na lang ako ilipat."

Pinapakinggan ko ang sinasabi niya, pinupuri niya na wala pa raw ako gaanong kaso na alam niya.

Humikab ako, hindi ako masyadong makatulog gawa alam kong nasa ibang lugar si Arte.

Nagpaalam na siya sa 'kin dahil may out of the country business siya ngayong araw.

"Hey, Apollo!"

Palapit sa 'kin si Yza at ang dalawa niyang kasamang babaeng Alpha, katulad niya parang modelo rin si Venice at Zandra.

"Apollo, kitang-kita ka kaagad namin, iba talaga kapag nagliliyab!" ani Zandra na hinampas ako sa balikat.

"Nag-Omega-hunting kami, ang free ng mga pasaway dahil wala si Arte at Bernard, sana raw tumagal pa sila," si Venice 'yon.

"Pero gusto mo si Arte," ani Zandra kay Venice na siniko pa ang kaibigan.

"Oo, kaso may bumabakod," ani Venice na pinanlakihan ako ng mata.

Naupo sa tabi ko si Yza. "Anong bumabakod? Hindi ba ninyo alam na Alpha lang ang gusto ni Apollo? Like me," ani Yza na kinindatan pa 'ko.

"Boring, bakit gusto ninyo pareho ng Alpha sa Alpha, iba ang sweetness ng mga Omega. Promise, magpapataasan lang kayo sa susunod!" sabi ni Venice. "Pero 'di ba kalat na kayo ni President, Apollo? Ano 'yon?"

"Ang iingay ninyong tatlo, bakit ba kayo lumapit sa 'kin?" tanong ko na kinuha ang bottled water ko.

"I-invite ka namin sa party, mamaya, puro Alpha lang tayo mula sa school na 'to, isama mo sila Gin."

"Party?" takang tanong ko.

"Yes, pero may mga Omega ro'n na entertainer."

Nang marinig ko 'yon ay bumalik sa 'kin ang mga nakilala kong Omega na pure lust ang mayroon sa katawan, at ugaling maging biktima pagkatapos ng isang gabi.

Lumapit ang labi ni Yza sa 'kin. "Naroon si August, may sinasabi siya tungkol kay Arte, sa naging relasyon nila dati, maraming may alam, baka gusto mo rin malaman." Lumayo na ang bibig niya malapit sa 'kin. "Interesting 'di ba? For sure, marami ka ring hindi alam. Mahilig rin ako sa kuwento at buhay ng ibang tao kaya exciting sa 'kin ang makipagkuwentuhan sa mga 2nd year."

Matiim ang titig ko sa kanya pero lumawak lang ang ngiti niya at may kinuhang lollipop. Binuksan niya 'yon at isinubo sa sarili.

"I like you, and I heard a lot about you and your hate towards the Omega, hindi lang ako ang nagsasabi na pure hate ang nararamdaman mo kay Arte, imposibleng mabago ka dahil tumibok lang ang puso mo dahil iyong ibang nakakakilala sa 'yo rito dahil schoolmate mo sila noon, alam na alam kung gaano mo kaayaw sa mga Omega. And Alpha tayo, playmate sa 'tin ang mga Omega, so, it's fine, tutulungan pa kita."

Tumayo siya at nagpaalam na sa 'kin.

Katulad ng madalas, hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot.

Tama naman, hindi ko gusto ang mga Omega, I hate them, parang kumukulo ang dugo ko kapag nakakarinig ng mga ginawa nila sa katulad kong Alpha. Para silang demonyo na may hitsurang anghel.

Bakit ba 'ko narito para kay Arte? Dahil sa dare, at kung bakit ipinagpapatuloy ko 'to ay dahil kaya niya 'kong titigan ng diretso, nginitian sa kabila ng mga masasakit na sinasabi ko sa kanya, at baliwalain lahat ng rant ko sa mga Omega.

MY ALPHA'S BELOVED ( BL OMEGAVERSE ) TO BE PUBLISHED UNDER MANILA POPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon